Wednesday, May 4, 2011

EXCHANGED FAVOR

EXCHANGED FAVOR

Feb. 14 ikalimang araw mula ng maghiwaly sila ng 1st boyfriend niya..di naman talaga siya inlove dito yun nga lang kasi nasaktan ang pride niya akalain mo yun ito pa ang may ganang magsalita na magbreak na lang daw sila na kung tutuusin eh siya dapat ang nakipagbreak dito..pagod na siyang magmok-mok eh ano ngayon kung loveless siya ..eh ano ngayon kung wala siyang date na paghahandaan..eh ano ngayon kung wala siyang flowers at chocolate na marereceive eh pede naman siyang bumili nun..saad ng dalaga na isang young executive sa isang malaking company pero dahil sa heart broken humingi ito ng leave..nag-iisang anak ng mag-asawang physician na palaging out of town..inakala ng ilan na magiging doctor din siya dahil parehong magaling sa larangan ng medisina ang magulang niya..pero dahil din dun ya pinangako niya sa sarili niya na di siya magiging doctor..kasi ayaw niyang magkaroon ng producto na tulad niya lumaking walang magulang sa tabi kundi ang yaya niya..agad  na bumangon si Devon mula sa higaan niya at nagpasya siyang magcelebrate ng valentines kahit mag-isa..tinawagan niya muna ang mga magulang at binati ang mga ito..saka naligo at nagbihis..10:00 na ng umaga ng matapos gawin ang dapat gawin at bihis na ito ng lumabas ng kwarto na ikinabigla ng yaya niya..

Yaya Doray: aba'y anak saan ka pupunta ke aga naman ni hindi ka pa nag-aalmusal eh..
Devon: nanay naman..sa labas na ako kakain..(malambing nitong saad sa matanda, saka mabilis na lumabas ng bahay at pinabuksan ang gate sa isa pang kasambahay)
Yaya Doray: aba'y gagastos kapa hala baba ka na muna ng magkalaman ang tiyan mo..di naman kita pipigilan kung saan ka pupunta..dyaskeng bata.. ka..
Devon: nanay panu pa ako makakain sa date ko kung mabubusog na ako(pagsisinungling nito para mapayagan lang siya)
Yaya Doray: aba'y may date ka? nagkablikan ba kayo ng damuhong ricky na yun?
Devon: yaya siyempre hindi si Ricky ..iba yung kadate ko ..sige na ya malilate na ako eh..bye ya love you..happy valentines..dito nalang kayo sa bahay magdate ng kung sinong maakit mo (sabay halakhak ng malakas;..nabigla siya sa sarili now lang siya ulit humalakhak eh..)
napailing nalang ang yaya ni Devon..dyaskeng bata kapilya talaga..pero buti naman at may iba ng dinidate kabilis naman sino kaya iyon eh hindi naman naglalabas ng bahay mula ng magbreyk ng damuhong lalaking yun..naku naku pag nakita ko yun hahampasin ko yun ng maso eh..sinaktan ang alaga kong pagkaganda...

Habang si Devon ay namasyal at inaliw ang sarili ng mag-isa at dahil nakaramdam na ng gutom nakaisang ikot palang siya ay pinasya na nitong kumain..gusto niya ng seafood..pumasok siya sa isang kamayan resto..at binusog ang sarili..kumain na walang pakialam..wala siyang kamalay malay na may isang pares na mga mata na nakatingin at aliw  an aliw sa panonod sa pagkain niya..mag-isa lang din ito..ng magsawa itong panoorin ang dalaga pinasya na nitong umalis sa lugar na yun ..habang si Devon ay patuloy lang sa pagkain..naubos nito lahat ng inorder niya..ganun daw pagbigo maganang kumain..konsolasyon niya sa sarili dahil sa pagkakaubos niya ng inorder..nagpahinga muna ng kunti..saka umalis  sa lugar na yun..hmmm noh ba ang susunod kung gagawin tanong nito sa sarili..hmmm watch na lang muna ako  ng movie..kausap nito sa sarili..parang bitter lang lahat ng nakakasalubong na magpartner hmmm maghihiwalay rin kayo if i know may ibang date yan mamaya..bulong ulit nito sa sarili..haizzz ..dahil sa busy sa kakaisip ng kung ano ano di niya naiwasang mabangga ang isang magkapareha..
Ricky: uyy Devon..kumusta?
Devon: ok lang naman( kainis sa dinami rami ba naman ng makakasalubong ko eh tong tukmol na to pah..ahhhh pede bang magawala at manampal..hmmm wag na nga lang ..di naman siya worth eh..parang aning na kausap nito sa sarili)
Ricky: mag isa ka lang?gf ko pala..si Kat(pakilala nito sa kasama)
Devon: hi Cat(hi pusa wahahaha ang  kapal at pinakilala pa ang kataksilan niya....)
Kat: hi!Devon di ba ikaw yung ex ng honey ko(malanding saad nito)
Devon: yup ex..(kapal at nag-abala pa palang ikwento ako..pero nakangiti)
Ricky: watch kami ng movie eh..ikaw manonood ka rin ba?
Devon: yup
Ricky: ng mag-isa?
Devon: hindi ayun yung kasama ko bumibili ng ticket(turo nito sa mamang matangkad likod palang ulam na pero sana ganun din sa harap baka kasi mapahiya siya kay Ricky panu..gwapo talaga ito pabling nga lang)
Ricky: really , ang bilis mo naman akong napalitan
Devon: yeah(saka ngumiti..pero sa isip ang kapal talaga,at dahil mukang nagdududa si Ricky na kasama nga niya yung lalaki eh pinuntahan niya ito matapos magpaalam sa dalawa...
Devon: hi, pede bang maging bf kita now..now lang promise..(bungad na bati nito sa binata na nakapila parin)
Nabigla si James ng makilala kung sino ang babaing bigla nalang kumapit sa braso niya..its her..and what is she up to?buong pagtatakang bulong nito sa sarili..she's really beautiful..at nahigit nito ang hininga ng masamyo nito ang pabango ng dalaga..
Devon: please!(at napangiti ng malapad kasi mas gwapo sa ex niya ang binatang nalapitan niya..)
James: why do you think I would agree with your plan?(nanantyang tanong nito sa dalaga pero sa isip niya it would be  a pleasure to be her man)
Devon: kasi mabait ka..di mo hahayaan na mapahiya ako sa ex ko na nangloko sa akin at sinabi ko sa kanya na ikaw ang kasama ko though di ko naman sinabi na bf ko ikaw...(mahabang sagot nito..na nakapagpangiti sa binata panu..ibig kasing sabihin available ito..pede itong maging sagot sa problema niya..
James: ok papayag ako..pero after mo ako naman ang may hihingin na favor sayo ha..
Devon: sure.. I'm Devon nga pala onleave sa work at broke(nakangiting pagapapakilala nito sa binata pero dina nakipagakamay mahahalata kasi sila nina Ricky na nakatingin sa kanila
James: and I'm james baby..(she's really pretty napangiti sa naisip)
Devon: baby? hmmm sige pede na..(yun kasi ang gusto niyang twagan sana nila ng ex niya pero ayaw nito honey lang daw haizz)
nakabili na ng ticket si James pero dahil dumating siya binilhan narin siya nito ng ticket..ang nakakloka pa kasi sa tabi nila umupo ang ex niya at ng gf nito..buti nalang game ang James na to na magpanggap na bf niya..ng humilig siya dito inakbayan siya at hinalikan sa ulo at nakita niyang napaismid ang ex niya..bleehh mas gwapo ang bf ko kunoh kesa sayo at mas maganda ako sa gf mo..bulong nito sa sarili..di niya namalayan nakatulog pala siya..at second batch na ng manood ang naroon ng magising siya..
Devon: huh sorry nakatulog ako..ba't kasi di mo ako ginising(nahihiyang saad niya..at humanga sa lalaki kasi di ito nagtake advantage sa kaniya)
James: kasi pakiramdam ko yun lang ang totoo mong tulog eh..(naawa siya dito kasi nakita niya na mukang wala itong ganung tulog..kasi ilang sandali lang na nakasandal ito sa kanya nakatulog kaagad..)
Devon: nakakahiya naman..asan na sila?
James: kanina pa umalis..sa akin na lang nag-paalam..
Devon: ganun ba..salamat ha..tara treat kita ng food..(pakunswelo nito sa pagpapatulog sa kaniya ng mahimbing at sa hiyang ngayon lang niya naramdaman)
James: you mean sa dami ng kinain mo nagutom ka na kaagad?
Devon: huh!? panu mo nalaman(takang tanong nito)
James: isang resto lang kasi kinainan natin kanina..actually magkaharap ang mesang inuukopa natin..(small laugh)
biglang nakaramdam ng hiya ibig sabihin nakita niya kung panu ako kumain kanina..
James: ok lang yun you were still pretty..

Lumabas nga ang dalawa sa sinehan..pero di sila kumain sa labas instead..
James: now its my favors turn..
Devon: ay oo nga pala ...ano ba yun..yung kaya ko lang ha..(nakatawa ito kasi muntik nitong makalimutan ang deal nila)
James: its your turn to play as my gf infront of my family..
Devon: huh family..di ko kayang manloko ng pamilya..mahirap yun..ok lang yung ex ko kasi siya naman nanloko sa akin eh..pero ang buo mong pamilya..mahirap yun..pedeng iba nalang?
James: our deal is a deal..please do me a favor..
Devon: pero nakakahiya sa pamilya mo..isa pa wala ka bang totoong gf at kelangan mo pa maghanap ng fake..teka nagbreak din kayo?
James: Actually..wala pa akong niligawan ..busy sa work eh..
Devon: ah bakit noh nga ba work mo...
James: malalaman mo din yun on our way home..
Devon: noh naman ikkwento ko sa pamilya mo pagnatanong sila ng tungkol sa akin
James: just be yourself(napangiti kasi ibig sabihin payag na ito base sa sagot nito)
Iknwento ng binata kung bakit kelangan nito ng instant gf na ipapakilala sa pamilya sa araw na yun..panu ipinangako niya sa mga ito na magdadala ng gf sa araw na yun..special yun kasi umuwi galing paris ang abwelo at abwela niya at yun ang nirerequest ng mga ito ang makilala ang babaing pakakasalan nito..pero wala pa siyang niligawan di dahil sa busy siya kundi dahil sa wala pang nagpapatibok totally sa puso niya..di nga niya alam kung bakit naisipan niyang makipagdeal sa dalaga kung tutuusin pede naman siya magsabi sa mga ito na wala pa talaga eh..

Nakarating na nag dalawa sa tahanan nina James namangha ang dalaga, mayaman ang binata at di yun nkwento sa kaniya..although sapat na ang naikwento nito para makilala niya ang pagkatao nito..at nagkwento rin siya ng pahapyaw sa binata tungkol sa buhay niya..

Masayang sinalubong ng dalawa ang excited na pamilya nito sa loob ng tahanan..sanay si Devon sa pakikihalubilo sa iba't ibang klaseng tao..ma pa taga -altasosyedad man ito o simple lang ya hindi naging mahirap sa kaniya ..dyahe lang kasi agad siyang niyakap ng lola at lolo ng binata..at di na binitawan..sinabihan lang si James
Lola: wag mo muna kami istorbohin tutal lagi naman kayong magkasama...your wife to be is beautiful iho..(sabay yakap ulit sa kaniya)
Devon: thank you po lola(nasanay kasi si Devon na tawagin ang matatanda na lolo at lola ya madali lang sa kaniya ang sabihin yun)
Lolo: ako iha call me lolo( sambit nito na tila nasasabik na matawag ng lolo)
Devon: sige po lolo(natawa kasi di niya nakilala ang pamilya ng ex niya pero yung kay James na kanina niya lang nakilala heto at yakap yakap siya)
Lolo: Jaime pag ito pinakawalan mo wala kang mamanahin sa akin
James: c'mon lolo..baka sabihin ng baby ko na after lang ako sa mana..(at kinindatan ang dalaga..di niya alam pero masaya siyang makita na magiliw ang angkan niya sa dalaga..at nakikita niya sa dalaga na wala itong halong pagkukunwari..sana ikaw na nga..sigh..at biglang napagtanto ang naisip...what?!c'mon Dude don't tell me nahuhulog ka kaagad..habang nakatingin sa dalaga na tumatawa at magiliw nakikipagbiruan sa mga pinsan niya pero di rin binibitawan ng lola niya..
Vien: hey! you're really inlove with her huh..don't worry di siya maano nasa kamay siya ni lola as you can see mukang aliw na aliw si lola sa kaniya na hindi nangyari nung una kong dalhin si Yedda..bilib na talaga ako sayo..magaling sa kahit anong bagay..pati na sa pagpili ng babae..
James: pinsan....loko ka talaga ha.. panu di magagalit si lola sayo at ang pamilya natin eh ng dalhin mo dito si Yedda isang buwan ng buntis..ba't ngayon ka lang..nauna pa kami sayo ah..lika ipapakilala kita..
Vien: wag na muna mamaya nalang baka biglang manlisik ang mata ni lola tingnan mo at ayaw bitawan..si misis kasi pare alam mo na mabagal na siya now kasi kabuwanan na niya next month..
James: oh really so how does it feel?(excited na tanong nito biglang naisip ang imahe ni Devon na buntis..at napangiti..ngunit bigla ding ipinilig ang ulo..malala na ba siya at naisip niya pa si Devon sa ganung sitwasyon..)
Vien: gumawa na kasi kayo..(natawa kasi ngayon niya lang nakita ang pinsan niya na parang ewan..di niya alam na may gf pala ito ang alam niya kasi yung trabaho nito ang karelasyon nito..ang Garments Company kasi nila ang hinhawakan nito while ang sa kaniya eh ang hotels nila..at tumutulong din ito sa kaniya..
James: natawa lang sa sinabi ng pinsan..

Tinawag na silang lahat para kumain hindi talaga binitawan ng Lola ni James si Devon at pinaupo sila sa tabi nito nawala ang lahat sa puwesto na dati na nilang inuupuan sa tuwing may salo salo sila at kumakain sa mahabang mesa na yun..aliw na aliw ang lahat kay Devon pati yung mga tito at tita, pinsan at pamangkin at ang magulang naman specially ang mom niya ay kaibigan pala ng mom ni Devon kaya mas lalo itong naging magiliw sa kaniya..sa kaalaman na mula sa maganda at kilalang angkan ng mga doctor ang dalaga nagtaka lang ito kung bakit hindi medesina ang tinapos..at sinagot naman ito ng dalaga ng totoo na kinatawa ng lahat at ikinasaya ng lihim ni James..she will be a great wife and a mother..

Sa gitna ng pagkain at masayang usapan biglang ipinatwag ng lola ni James ang isang kasamabahay at may pinakuha sa kwarto nito..pagbalik ng katulong isa itong kahon na maliit natigilan ang asawa nito kasi alam nito kung ano ang laman nun..masaya nitong binuksan pagkabigay ng katulong at hinawakan ang kamay ni Devon..
Lola: iha para sayo ito..alam mo bang ito ang bigay ng lolo ni Jaime sa akin na pinabigay ng lola niya..mahalaga ito sa kin iha..kaya alagaan mo ito ha at ibigay mo rin sa mapapangasawa ng apo  mong lalaki na kung saan mararamdaman mo na karapat-dapat at alam mong aalagaan niya ito(mahabang saad nito sa dalaga habang ipinapakita ang isang bagay )

Hindi malaman ni Devon kung ano ang mararamdaman at isasagot sa lola ni James..kasi naman hindi naman siya ang karapat dapat nun dahil di naman siya ang babaing makakasama nito habang buhay..bulong nito sa sarili..di niya malaman kung bakit may biglang kurot sa katotohanang iyon..hindi makatinag ang dalaga..lahat ng mata sa kaniya nakatoon kasama na si James na nabigla sa ginawa ng lola niya..hindi rin ito makapag-isip kung panu irerescue ang dalaga sa sitwasyon nito ngayon..he's happy na gusto ito ng pamilya at most specially ng lola niya na pihikan sa mga taong gugustuhin nito pero malungkot siya kasi alam niya na di siya gusto  ng dalaga..pumayag lang ito dahil sa pabor na ibinigay niya dito kanina..

Lola:Jaime iho ano pa ng hinihintay mo kunin mo itong singsing at ngayon din alukin mo ng kasal si Devon(demanding tone)
Devon: lola, di pa poh namin yan napag-uusapan(agad na sambit nito ng marinig sa lola ni James ang salitang kasal)
James: oo nga naman la..please(sumamo nito sa abwela na sana wag ipilit ang gusto nito..hindi sa ayaw niya pero nakita niya sa reaction ng dalaga na ayaw nito..)
Lola: hindi Jaime, gusto ko ngayon na dahil wala akong may gustong mag-may-ari nito kundi si Devon(matigas na saad nito)

walang nagawa si James kundi kunin ang singsing na nasa kamay pa ng lola niya saka lumuhod sa harap ni Devon ..
Devon: James(mahinang usal nito sa pangalan ng binata..na may kasamng hiling sa puso nito na sana totoo ang lahat.. na sana siya nga ang babaing karapat dapat niyang alayan nito..pero bahala na..tatanggapin na muna niya at tulad ng napag-usapan sasakay siya at ibablik na lang niya mamaya ang singsing para maibigay nito sa babaing totoong magmamay-ari at makakasama nito habang buhay..whew..chakit nun pakwela nitong saad sa isip)
James: ah.. ahmm..hmmm..honestly don't know what to say(may biglang pak mula sa lola, nainis dahil sapautal utal na salita ng Jaime)aray lola naman..wag ka nanbabatok..nakahiya sa baby ko..

nagtawanan ang lahat at nawala ang tensyon sa paligid..
James: Devon marry me please!(sumamong saad nito matapos ang tawanan)
hindi alam ni Devon ang sasabihin..kung oo ba siya fake lang din ba yun?kasama ba ang lahat ng to sa deal na inuohan niya kanina..saka tinitigan si James at muntik siyang mapa tyeet dahil sa puppy eyes na nakitingin sa kaniya ang wafffffffffuuuuuuuu talaga bulong nito sa sarili, nagising mula sa pakikipagusap sa sarili dahil sa pisil ng binata sa kamay niya0
Devon: sigurado ka?(pakwelang saad nito na ikinatawa ng lahat)
nakatingin lang si James..honestly seryoso talaga siya..pero di niya alam kung ang isasagot nito ay seryoso ba talaga..tinitigan lang niya ang dalaga..di niya alam pero di niya maalis ang paningin niya dito..mula ng una niya itong makita kanina sa resto na takam na takam sa pagkain..kaya ng lumapit ito sa kaniya kaniya para humingi ng favor ay agad niyang pinatulan..ang favor na hiningi niya ..wala lang yun..
Devon: of course baby I will marry you..wag mo na akong titigan ng ganyan baka sabihin nila ginayuma kita..(pabirong saad nito pero deep inside kudos ang kaba at kilig..sayang nga lang kasama lang ito sa deal nila kanina)

Hindi makapaniwala si James sa narinig mula sa dalaga..alam niyang dahil lang ito sa deal pero walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman niya matapos maisuot ang singsing na tila isinukat sa daliri ng dalaga ay agad niya itong niyakap..masaya siya..sobrang saya niya..di na niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon..bahala na nanamnamin ko na muna ang sayang ito saka na yung sad reality..narinig niya ang ting ting ting ng baso at panabay na bigkas ng magulang pinsan pamangkin lolo at lola niya ng kiss..naramdaman niya na natigilan ang babaing yakap niya..
James: don't worry short and smack lang..mahinang bulong nito sa dalaga..ayaw niyang isipin nito na nagtatake siya ng advantage..pero tumango lang ang dalaga..simbolo na pede niya itong gawaran ng smack..pero ang smack na balak gawin ay biglang naiba..the moment na naglapat ang labi ng dalawa ay may kung anong magnet na nagdikit dito at tila ayaw na makalas at walang may balak kumalas..isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang parehong naramadaman ng dalawa tila may libo libong boltahe ang bumalot sa sa kanila ngunit masarap na sensasyon taliwas sa pakiramdam ng nakuryente..isang mahabang halik na ng matapos ay tila hiningal pa ang dalawa..huli na ng maalala ng dalawa na hindi lang sila ang nandun..namumulang naitago ni Devon ang kaniyang mukha sa balikat ni James ng mapagtanto ang lahat na naganap..tawanan ang mga naroon walang may nakakaalam sa totoong nararamdaman ng dalawa..pinaka masaya ang lola ni James..natupad ang pangarap niya para sa apong si James ang makahanap ng babaeng magmamahal dito ng totoo..nakita niya kung panu tumitig ang kaniyang apo sa dalaga at ang kiming pagsulyap ng dalaga sa apo niya..ramdam nito ang isang maganda at panghabangbuhay na relasyon para sa dalawa..at wala siyang ibang gugustuhin na ibang babae para sa apo niya kundi si Devon lang..

Hmmm tapos na ba to? lol..actually matagal na to..supposed to be one shot lang ito.. comment kayo kung gusto niyong dugtungan ko ang kwentong to lol ..gusto ko ng madaming comments need ko yun para mainspire ako..lahat ng writer yun ang inspirasyon namin please wag niyo ipag damot sa amin yun eheheheh...hmmmpasenxa na rin pala sa mga naghihintay ng My Bratty Princess.. wala pa akong maisip na idugtong..kalat ang utak ko ngayon..

11 comments:

  1. Dugtugan niyo pa po... kasi ang ganda e..

    ReplyDelete
  2. bitin kaya!so dapat lang may continuation 'to!✌
    aabangan ko ang kasunod nito ◕‿◕

    ReplyDelete
  3. mareng ayen GO!! dugtungan mo pa please! grabe super ganda at ang galing galing mo talagang writer.


    waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!



    mare nakakapag-post na ako nang comment.



    basta mare andito lang kami (GEMS) for you ha.



    I love you mare! :-*

    ReplyDelete
  4. continue mo pa toh mareng ayen

    akoy kinikilig sa story

    taas na kamay ko sau sama ko pa pati paa (kidding aside) LOL

    hanggaling mo talaga

    keep them coming ....

    more FF to come


    dont forger hangel peachy loves you rotflmao

    ReplyDelete
  5. super like.. :)

    continue mo pa po tong story na toh.

    ok lang po yun. wait na lang po namin yung nxt chap ng my bratty princess. excited na!! :)

    ReplyDelete
  6. i like ittttttttt

    dugtungan niyo pa po

    ReplyDelete
  7. dugtungan pa...karukay ang story!! ilurve it..sana more chapters to come..excited ako sa mga mangyayari sa next chapters :)

    ReplyDelete
  8. where's the LIKE button here?... ang tagal ko ng hindi naka-basa ng ff sa blogsite ee..hehe.. usually sa mansyon lang ako namamalage... and dun na lang nagwe-wait ng update.. ate ayennnn.. ituloy mo toh.. hindi pwedeng hindi.. kelan kaya mangyayari ito sa totoong buhay?... parang may pinagdadaanan lang huh?... more more more pleaseeeeee... <3

    ReplyDelete
  9. dugtungan toooooooooohhhhhhhh....ang ganda kaya super!........:))

    ReplyDelete
  10. o diba o diba?! sabi nga ni ate ayen comments ang nagpapainspire sa mga writer! haha

    ate AyenShip!!! kinilig naman ako sa FF na to, tapusin mo po 'to ate ha?! yay.. next chapter na ako :D

    love you ate barko :)

    ReplyDelete
  11. ay hangganda neto te ayen....hehehe ngayon ko lang nabasa ehhh kaya late reaction...lols




    bitaw bitin ang ending sana me karugtong ......

    ReplyDelete