Tuesday, November 9, 2010

CHAPTER 34

Dahil sa sobrang saya ni Ivan na makasama ang babaing ihaharap niya sa dambana, di niya napansin ang paglapit ng pinsan na bigla siyang hinablot mula sa pagkakayakap kay Yen at galit na galita na sinuntok siya at napasandal siya sa kotse habang iniipit ni James ng siko nito..namumula sa galit..

James: what the heck are you doing Ivan?I could kill you for cheating on her, for hurting her..(galit na saad nito sa pinsan)
Ivan: wait..what's wrong with you..I'm not cheating anybody and let me go ok..(halong galit at pagtataka ng masalita)
James: damn you(pak)( sinuntok ulit si Ivan na hindi makapalag dahil iniipit ni James) your not cheating on her?when i saw you kissing having fun  with  whoever and whater she is,while she's inside all alone and crying..from now on you can't go near Devon she's mine now..(galit at madiin nitong saad)
Ivan:  what!?(nabigla at natawa..)wait she's crying? why?
James: your asking me why?(akmang susuntukin na naman si Ivan)  ask yourself  moron..bare this in mind you can't go near her again, coz if you do i'll kill you damn ..I've sacrificed what I've felt to her  7 years ago hoping that you will give her the proper care that she's most worth it, coz I've respected you and I know that she loves you but after what I've witnessed earlier, I'm sorry but I won't give the chance again, not this time not after what i've witnessed..

Hindi  makapagsalita si Ivan..so all along mahal ng pinsan ang kaibigan at akala nito sila ni Devon bigla itong tumawa ng malakas..tumawa ng tumawa na kahit si Yen di  makapagasalita dahil pa rin sa mga nakabibiglang kaganapan at sa rebelasyong narinig mula sa lalaking bigla nalang nanugod..

James: why are you laughing?(galit na sita nito)
Ivan: honey come her, meet my cousin(tawag nito kay Yen) James this is my Fiancee Yen one of Devon's friends and a model too..honey this is my brute cousin James..(tumingin kay James) I must admit i've courted Devon 7 years ago, pero binasted niya din ako and we've deided to be best of friends..meaning there's nothing romantic between us ok..(mahabang paliwanag ni Ivan sa pinsan, nasaktan siya nito dahil sa pag-aakalang niloloko niya si Devon, funny it felt good kahit mukang magkakablack-eye yata siya, kasi alam na niya na magiging masaya na totally ang kaniyang pinsan at most especially si Devon, mapapayapa na din siya lageh niya kasing inaalala si Devon and he's glad na naiintindihan ni yen yun)

Biglang umalis si James matapos marinig ang mga sinabi ni Ivan ni hindi manlang nito nilingon ang sinasabi nitong fiancee..


Habang si Yen hindi pa rin mapaniwalaan ang mga naganap hindi parin nakakabawi pero  in-assure siya ng nobyo na ok lang ang lahat.. agad nitong kinuha ang cream sa bag at pinahiran ang mga namumulang bahagi ng mukha ni Ivan na tinamaan ng suntok ni James..hanggang ngayon natatawa pa rin si Ivan sa inasal ng pinsan, ng dahil kay Devon nagawa siya nitong awayin na ni minsan hindi pa nito ginawa sa kanya..ngayon lang..

Yen: ikaw lang yata ang ang nakita kong sinuntok na masaya hon?
Ivan: I'm just happy for them hon..
Yen: so that was him?
Ivan: yes..and just keep it between us ok..let them do what they have to do w/o us intervening ..
Yen: kaw talaga gusto mo pang pahirapan ang pinsan mo kung sinabi mo nalang sana na siya ang mahal ni devon..
Ivan: hahahhaha I can't do that hon..baka  si devon naman ang sumogud at manapak sa'kin mas masakit manuntok yun.. black belter yun baka di  mo pa alam..
saka kinabig si Yen at inaya na sa loob gusto niya kasi mawitness hindi ang engagement ni Fretz kundi ang magaganap sa pinsan at kay Devon..

Habang si James ay hilong talilong sa kahahanap kay Devon..I can't let this night passed na hindi ko nasasabi sa kanya na mahal ko siya.. God where's Devon? where is she..  I really have to talk to her...please Lord ..please...dasal na bulong nito at bingo nasa pool side pa rin ito at akmang patayo na ito, parang hangin na tumakbo si James patungo sa kinaroroonan ni Devon na nabigla sa pagkakita sa binatang nasa harap na niya at parang  mauubusan ng hininga..tiningnan niya lang ito ng buong pagtataka..

James: nakita rin kita (humahangos na saad nito)

ano ang ginagawa ng lalaking ito dito at bakit naman ako nito hinahanap bulong ni Devon sa sarili na nakatingin lang kay James..ng bigla siya nitong yakapin..

James: God what have I done...
Devon: let me go.( buong lakas na itinulak si James)

pero hindi niya ito naitulak bagkos ay mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya..he can't let go of her anymore..not now not ever..saad ni James sa sarili.. ngayon pa na hindi ito nobya ng pinsan..

Devon: i said let me go(malamig na saad ni Devon)

James: alam ko na.. there's nothing going on between you and my cousin..(patuloy parin sa pagyakap sa dalaga na nag-pupumiglas) I love you baby

Ikinagulat yun ni Devon ang sinabi ni James di niya iyon mapaniwalaan.. he loves me.. he loves me..

James: I don't care if there's someone else if its not Ivan..(patuloy nito)

Biglang (pak)

Devon: ano ngayon kung hindi kami ng pinsan mo, ano ngayon kung mahal mo ako.. may karapatan ka nang yakapin ako?( sabay kalas sa pagkakayap sa binatang nabigla dahil sa di naman gaanung masakit na sampal at sa mga binitawang salita ng dalaga tumakbo palayo dito)


James: what!? she's running away again..( saad nito sa sarili ng matauhan)


Habang si Devon ang gagong yun kung kelan nakapagdecide na ako saka sasabihin na mahal niya ako, tapos nangyayakap ng walang pasabi anong akala niya sa'kin easy to get.. ligawan niya muna kaya ako kahit isang araw lang..bigyan niya naman ako ng chance na mag-isip noh..bakit ganun lang ba yun pagkatapos ko siyang iyakan ..pero he loves me ..masayang masaya na kausap ang sarili at kinuha ang phone sa bag tiningnan ang number ni James na ibinigay ni Ivan nung huli silang magkita at nag text ..at pilyang tumawa ng masend ang tinype niyang message para dito ..

Hindi makapaniwala si James dahil kahit naka-heels ang dalaga ang bilils nitong tumakbo, so hindi talaga nag-bago ang Devon na nakilala ko, ito pa rin ang Devon  na nakilala ko 7 years ago..nasa ganun siyang pag-iisip ng tumunog ang phone niya

1 message received
unknown number:

weh.. di nga..?


niloloko mo lang ako..







tigilan mo ako..







kung naglalaro ka lang





try mo kayang iprove?



malay mo....




Halos di makahinga si James sa message nabasa tinry niyang tawagan ito ito pero mukang pinatay.. alam niyang kay Devon galing yun... agad siyang bumalik sa sa loob ng bulwagan para tingnan ang dalaga doon.. proof pala kelangan nito maghintay ka sabi niya sa sarili..i'll do it for you baby.. napapangiti sa naiisip..

Monday, November 8, 2010

CHAPTER 33

Parang reunion nilang magkakaibigan ang engagement na yun,masayang masaya silang nagtatawanan, parang walang nagbago, parang college student pa rin sila kung makatawa dahil sa kakulitan ni Eslove at Joe.Walang ni isa man ang may hint sa nararamdaman ni Devon sa mga oras na yun...pinipilit niyang wag tumingin at lumingon dahil ayaw niyang makita ulit si James para kasi siyang sinisilaban sa mga titig nito..she hated that feeling na may iniiwasan ..but she has to kung gusto niyang makalimutan ito..nag-excuse siya sa mga kaibigan niya na igreet lang yung ibang bisita ng kuya niya na karamihan ay kasama sa business world at mukang matagal tagal niyang makakasama dahil siya na ang humahawak sa negosyong iniwan ng kuya niya sa kaniya para sa ibang business ng pamilya.


Beso dun beso dito kunting kwentuhan at tawa yun ang ginawa ni Devon ng puntahan niya ang mga ito..pabalik na sana siya sa table ng mga kaibigan ng may tumawag sa kaniya..

Trish: Devon..Devon..OMG your so gorgeous talaga..(saad nito sa dalaga na nagtataka)
Devon: oh hi, Trish right?(sabay tingin sa lalaking kasama nito)
Trish: yes I'm glad you still remember my name, by the way meet my Hubby the father of my baby gwapo noh ( masaya at excited nitong turan)Jacko and honey you know her na diba?
Jacko: hi Devon..I'm so pleased to meet you(magalang nitong bati sa dalaga)

Ngiti lang ang tanging isinagot ni Devon..panu ba kasi siya magrereact kung nagreregudon na ang puso niya sa mapagbirong sitwasyon at rebelasyon..saka siya nagpaalam muna sa mga ito..imbes na bumalik sa mga kaibigan pinili ni Devon na mapag-isa na muna, tinungo niya ang pool area ng hotel dahil sigurado siyang walang tao dun...

Hindi malaman ni Devon kung anong iisipin sa nalaman.. bakit ba kasi sa tuwing may napapagdesisyunan siya na may kinalaman kay James laging may nangyayari..if Jacko is the hubby and the father that Trish is bearing with...meaning hindi sila..wala itong asawa...single ito..? stop it Devon ano ngayon kung single siya, kung hindi sila bakit gusto ka ba niya..set your self free from him...kasi kung gusto ka niya hindi kaniya magagawang saktan..kasi kung mahalaga ka para sa kaniya hindi ka niya huhusgahan..kasi kung mahal ka niya hindi ka niya iiwan..madami pang kasi ang ibinubulong ni Devon sa sarili..nagdedebate ang puso at isip ni Devon ang isip na pagod na sa paghihintay at pagbabakasakali at ang puso na patuloy na umaasa at tumitibok para lamang sa binata..

Kanina pa ni James sinusundan ng tingin si Devon mula sa malayong upuan nito kitang kita niya ang  pagtayo ng dalaga, ang pag-harap sa ibang bisita maliban sa kaniya ang pag-kausap nito kay Trish at Jacko at ang pagtungo nito sa pool area na agad niyang sinundan..nagtataka man kung bakit mag-isa ito at wala si Ivan binalewala niya yun ..kitang kita niya sa mga mata ng dalaga ang kalituhan at lungkot at nasasaktan siya para sa dalaga lalapitan na sana ni James ang dalaga ng makita niya na umiiyak ito..umatras siya..she needs to be alone para mailabas niya anuman ang nararamdaman niya ngayon at ang pagtataka kanina kung bakit wala si Ivan ay unti unting napalitan ng inis at galit sa pinsan, dahil hindi nito dapat pinapabayaan si Devon, di nito dapat hinahayaan na mag-isa si Devon at mas lalong hindi nito dapat pinapaiyak si Devon..damn I could kill you man pag nalaman ko na ikaw ang dahilan kung bakit umiiyak si Devon ngayon and swear to God  aagawin ko siya sa'yo anuman ang mangyari and i'll make her love me enough to forget you and the pain you give to her..galit na saad ni James sa sarili para sa pinsan niya..at buong pagmamahal na tinitigan ang dalaga mula sa kanroronan niya..

Biglang nag-angat ng ulo si Devon at tiningnan ang paligid pakiramdam niya kasi hindi siya nag-iisa..na para bang may kasama siya..biglang nanindig ang balahibo niya dahil madilim ng kaunti ang lugar at wala siyang ibang tao na nakita..dali dali niyang inayos ang sarili niya baka may multo biro niya sa kaniyang sarili.. magapapalipas muna siya ng ilang sandali saka siya babalik sa bulwagan.. habang si James ay muntikang  matumba sa kinalalagyan ng matoon ang tingin ng dalaga sa kintatayuan niya pero parang wala naman itong nakita kaya dali daling umalis ang binata..


Kinakabahan pa rin si James sa muntikan pagkakahuli ni devon sa kaniya, parang wala sa sarili na tinungo ang parking para sana dun na muna pansamantalang magtanggal ng kaba ng may makita siyang dalawang pares na masayang palabas sa sasakyang nakapark malapit sa kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan..biglang sumiklab ang galit na nararamdaman ni James..damn damn i could kill you man..galit na bulong ni James sa sarili habang galit na tinungo ang dalawang pares na mas lalong nagpaigting sa galit niya ng makita niya itong naghalikan pa muna bago lisanin ang sasakyan ng tuluyan.

Sunday, November 7, 2010

CHAPTER 32

Present...

Tama na Devon..wag kang kabahan, eh ano ngayon kung nandun siya..hayaan mo na siya.. 7 years is long enough para bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na mabuhay ng hindi siya iniisip..move on Devon may asawa na rin siya at magkakaanak na..you're no longer the 18 year old Devon na madali niyang napapatakbo, at di ka na niya pedeng husgahan you've grown up into a lady full of finesse unlike the boyish 18 year old Devon he used to know..patuloy na kausap ni Devon sa sarili para magkaroon ng lakas na makahalubilo ulit ang lalaking ayaw na niyang makita at gusto na niyang makalimutan.. ako ba talaga ito?malayong malayo na nga ang hitsura at kilos ko sa dating Devon..pero bakit ganun nagbago nga ang lahat sa kaniya pati na yung hilig at mundong kaniya ginalawan(fashion world) pero hindi nagbago ang nararamdaman niya kay James ahhhhhhh tama na Devon...please tama na..saka bumuntunghininga at nagpasyang lumabas na ng kwarto na akma namang papsok ang ate niya na nakabihis na rin..

Anne: hey baby magandang maganda kana tama na yan baka magtampo si kuya Bret mo pag nalate ang paborito niyang bunso(nakatwang saad nito habang hinahagod siya ng tingin..Devon becomes more beautiful as time passes by..nagtataka lang siya kung bakit wala itong bf..marami namang nanliligaw dito..kahit noong hindi pa ito modelo at pasama sama pa lang sa kaniya hindi rin niya mabilang ang mga nakakasamang modelo na lalaki ang nagpupumilit na maligawan siya..nagtataka man napailing nalang nalang ito)
Devon: ate mana lang ako sa'yo
Anne: ayy touch naman ako payakap nga sana sa susunod engagement party mo naman ha baby..
Devon: ate..kay kuya na muna pag-tuonan natin ok..(iwas nito)
Anne: ok sabi mo eh baka magtampo kapa (sabay tawa)
Devon: sorry ate ha..ang bad bad ko nun sa'yo
Anne: hush baby noon pa yun sabi mo nga diba.. tara na baka magkaiyakan pa tayo..
Devon: i'll drive my own car ate di na ako sasabay sa inyo convoy nalang hehe,,miss ko na yung baby ko eh..
Anne: wag mong sabihing yung sasakyan pa ni lolo ang gagamitin mo sa get up mong yan(napapantastikuhang tanong nito)
Devon: relax lang ate ok.. di ako ititirik nun isa pa convoy naman tayo diba, marerescue niyo ako kaagad(at pilyang nginitian ang ate)
Anne: ok fine(alam niyang sa ngiti ng kapatid di niya ito mapipilit na di gamitin ang sasakyan na ibinigay ng lolo nila sa bunso noong ito'y 15 palang..)

Papaandarin na sana ni Devon ang sasakyan ng makita niya bumaba ang ate Anne niya mula sa sasakyan nito patungo sa kaniya..habang si Ann naman hindi mapakali, natatakot ito sa tumatakbo sa utak ng kapatid habang minamaneho ang sasakayan nito,bakit nga ba siya hindi matatakot kung sa tuwing gamit niya ang sasakyang iyon ay nawawala ito sa picture ng mga mahahalagang okasyon ng pamilya..ito rin ang sasakyang ginamit nito nung graduation day nito at indyanin ang sariling party na inihanda ni Bret at ngayon engagement party ni Bret balak din ba nitong umeskapo?kahit pa sabihing nakabihis ito pedeng front niya lang yun para hindi pagdudahan ano man ang binabalak nitong gawin..

Anne: baby are you sure you wanna drive that car?
Devon: yup... ate kanina ka pa napag-usapan na natin to di ba(natatawa sa kapatid)
Anne: please baby be don't do it again to your kuya this time ok..
Devon: ate, what are you thinking? that I might do a U-turn again?( laughing)
Anne: honestly yes baby(naiiyak)
Devon: I'm so sorry for all the throbbing  headache ate, I promise not to do it anymore,not now, not ever..satisfied now?
Anne: you can't blame me..every time you use this car ..
Devon : ok fine i'll let my driver follow me with the other car and i'll follow you para di ako maka-scape gitna ako..I just wanna drive ate..i just miss this car..I just miss lolo..(agaw nito sa sasabihin ng kapatid)

Saka lang nakampante si Anne at bumalik na sa sasakyan nito.. Devon really misses her lolo..every time namimis niya ang lolo niya dinadrive niya lang ang sasakyan nito pakiramdam niya kasama niya na ito she could still remember her lolo giving here that car as the only gift she ever wanted on her 5th birthday.. her parent could give her a brand new one, pero inisist niya talaga yung vintage car ng lolo niya.. at dahil bunso at pinakapaborito ng lolo niya wala itong hindi kayang ibigay kahit pa ang sasakyan na una nitong natanggap mula sa ama nito na inalagaan niya talaga ..hindi iyon pinpahawakan ng lolo niya kahit sa daddy niya pero pagdating sa kaniya wala itong hindi puro ito oo..hay i love you lolo miss na kita..after a year kasi namatay ang lolo niya dun nag-umpisa ang panakaw na pag-alis alis niya..pero ngayon hindi  na mangyayari yun ..i'm gonna use this car to attend and be present sa isa sa pinakaimportanteng araw ng kapatid at kaibigan, its her one way leaving all her pasaway past away..

Sabay na pumasok sina Devon at Anne.. lahat ng nandun ay napalingon talaga sa magkaibang ganda ng magkapatid..sino ba kasing hindi mapapalingon kung ang dalawang kapapasok lang sa bulwagan eh parehong modelo ..though di  na active si Anne dahil mas fucosed na ito now sa buhay may asawa di pa rin ito nawawala sa circle ng fame, flashes of cameras atbp. ganun din si Devon leave siya ng 3 months sa modeling dahil kelangan niya munang tutukan ang bagong craft na hinahawakan niya ang hotel and resto business ng pamilya at ang jewelry shop niya...napasinghap si Devon ng akmang paglingon niya magtama ang kanilang mga mata ni James na kanina pa titig na titig sa dalaga at inis dahil sa mga mata ng kalalakihang nandun dahil tulad niya hindi kumukurap sa katitig sa dalaga panu bang hindi mapapatitig ang mga ito kung ang suot ni Devon ay nagrereveal ng maganda at perpektong hubok ng katawan nito..she's definitely a goddess bulong ni James at nainis na naman dahil parang hindi siya nakita ng dalaga..what do you expect James that she'll give you her warmest smile after what you did and said...asik nito sa sarili..habang si devon pilit kinakalma ang sarili na hindi manginig dahil sa mga titig ng binata na tumatagos sa kaibuturan ng kaniyag puso at mga buto..pati yata kaluluwa niya damay sa pagtitig nito.. bulong ni Devon sa sarili..patuloy na nag-lakad patungo sa kapatid at kaibigan na lalo yatang gumanda ang alam niya may tampo ito sa kaniya kaya babawi siya dito..

Bret: baby.. akala ko talaga iindyanin mo na naman ako(bulong nito sabay yakap sa kapatid, ito ang kauna-unahang okasyon ng pamilya na present si Devon mula noong 18 ito)
Devon: I'm sorry kuya..I won't do it again, not anymore(pilyang ngiti niya na tinatalaban pa rin ng guilt dahil sa paninikis niya sa kapatid noon)
Bret: thank you..your presence is enough..your smile..and you hugging me now is a gift baby..(sabay halik sa ulo at noo niya)

Habang si Fretz nakatingin lang sa kanilang dalawa di umiimik ..at napansin yun ni Devon..

Devon: Open pa ba yung space mo for bessy? kung hindi na pakisabi naman oh na kahit ano kahit magkano kukunin ko ang space na yan dahil wala akong ibang gusto na maging space ng bessy kundi yung sa'yo(naiiyak na saad ni Devon)
Fretz: lagi siyang available for you bessy kasi wala akong pinayagan na umukopa nito na iba..(sabay yakap sa kaibigan na sobra niyang namimiss..nagpipigil na umiyak dahil baka masira make-up niya..sa wakas nagbalik na rin ang kaibigan niya.. na sa di maintindihang dahilan ay lagi itong wala sa anumang okasyon ng buhay niya..nagtampo talaga siya..nagsesend lang ito ng gifts..nag-eemail o kung ano pa..pero sa loob ng pitong taon hindi niya ito naksama na ng personal, o makausap man lang sa phone kahit nung ikasal sina shey at kaira mabilis itong nawala..)
Bret: hep hep tama na yan..(natatwang awat nito dahil mukang magkakaiyakan pa talaga..ayaw man niyang aminin mukang damay lang si fretz sa anumang galit o tampo ni Devon sa kaniya noon kaya ito ngdadrama.. )
 Nagkatawanan ang magkaibaigan  sabay welcome ni Devon sa kaibigan para sa nalalapit nitong pagiging bahagi ng pamilya nila..

Thursday, November 4, 2010

CHAPTER 30

Kanina pa si Devon nakahanda para sa engagement party ng kuya Bret niya, pero di pa din niya magawang bumaba mula sa kwarto para magtungo sa reception area na ginaganap sa isa sa mga hotel na pag-aari nila at pinamamahalaan niya ngayon ..nakatayo at nakatingin lang si Devon sa salamin..di niya kasi alam kung panu pakikiharapan si James na di mahahalata ng kuya niya ang naganap nung isang araw, ang pag-akusa nito sa kaniya at paghamon niya dito..oh c'mon Devon stop thinking bout the guy, he's not worth a penny..look at you..kausap nito sa sarili habang nakatingin sa salamin..yeah right ...7 years have really change my physique..panu nga ba siya natransform?

5 years ago...

Devon graduated with the highest honor that only few chosen one could ever get... her family and friends were all so proud of her..her kuya planned to have a surprise party, pero mas nasurprise ang kuya niya dahil hindi siya umuwi after graduation she asked her parents kung pede siyang mag-out of town, kahit hindi siya pinayagan ng mga magulang ang gusto pa rin niya ang nasunod..kagabi pa niya inihanda ang mga gamit na kakailanganin at nasa sasakyan na niya ito ang sasakyan na paborito niya..sasakyan na pag-aari ng lolo niya nung binata pa ito..dalawang taon na ang nakalipas pero buhay pa ang tampo niya sa kuya niya..hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit di niya magawang maibalik ang dati niyang pakikitungo dito..

Pumunta siya sa isang resort na kung saan naabutan niya na may nagsho-shoot ng TV ad.. sa pagkakarinig niya sa boses ng lalaki ayaw nito sa modelo..hindi raw effective ang aura nito etc. kibit balikat na nilamapsan niya ang mga ito at tinungo ang dalampasigan pero lingid sa kaalaman niya nakita siya ng lalaki na galit na galit kanina at alam nito na perfect ang mood niya lahat sa kaniya perfect para sa Ad na yun , agad nitong iminwestra sa cameraman at sa lahat ng staff na itoon sa kaniya ang camera at sundan ang bawat niyang galaw..naramdamdaman ni Devon na tila may mga matang nakatingin sa kaniya bigla siyang lumingon ang kaninang mukha na walang expresyon na makikita ay napalitan ng galit dahil sa nakitang camera na nakatutok sa kaniya..

Devon: what the hell are you doing?(galit at madiin nitong sabi sa mga nandoon) stop it before i can sue you for invading my privacy and not asking any permission from  stealing shots and vid in my own private moment!
Alam ng lalaking galit na galit kanina na isa palang direktor na ang dalaga ay hindi basta basta at galing ito sa mayamang pamilya base sa mga salitang binitawan at tindig na buo ang kompyansa sasarili..ni hindi ito nag-alangan na singhalan sila to think na isa siyang premyadong direktor..pati siya muntik manginig sa matalim na titig nito habang galit na sinaway sila..at kahit bata pa ito puno ng uturidad ang bawat binitawang salita maging ang lapat ng tingin nito na tumatagos..
Director: Oh its my bad..I'm sorry miss..kaya lang you have the perfect aura that we've been looking for our Ad..we can delete anything that we've taken, pero kung nanaisin mo pede kang maging model..

hindi alam ni Devon kung bakit pinili niya yung huli at that instant naging commercial model siya pero hindi dun natapos ang lahat, dahil di pa man nailalabas sa TV ang ad na yun tinanong siya ng isa sa mga kaibigan ng ate niyang designer nung minsan sumama siya sa run way sa ate niya na kung pede daw ba niyang i-proxy ang isang modelo na hindi makakarating dahil naaksidente ito, sa hindi malamang kadahilanan agad niyang pina-unlakan ang kahilingan nito, binigyan lang siya ng madaliang instruction at pagkatapos pinabihisan na siya at pinamake-upan..she was applauded ng lumabas siya at nag-lakad sa run way madaming sikat na designers at organizer ng fashion world ang nandun at isa lang ang sinasabi ng mga nakasaksi "she's a perfect goddes symbol, a pro, everthing in her is perfect" maging si Ann hindi makapaniwala sa nasaksihan who would have thougth ang kanilang baby na ayaw sa make-up at maarteng mundo niya ay ito ngayon naglalakad na akala mo nakalutang at matagal na nitong gingawa ang bagay na ngyon lang nito ginawa at base sa naririnig niya gusto niyang puntahan at yakapin ang kapatid dahil sa saya..at dun na ang nagsimula ang lahat pagkabalik nila ng pinas nasa mga pages na siya ng news paper at nailabas na rin ang ad niya..di makapaniwala ang lahat kasama ang pamilya at amga kaibigan ng makita nila ang TV ad ni Devon akala nila namamalikmata lang sila kaya sinurf nila ang ad na yu n sa internet para matutukan nila ang mukha ng dalaga and yes it was Devon, Ayaw ni Devon na madala lang sa pangalan ng ate niya sa larangan nito  at sa pangalan ng mayamang pamilya kaya sinabi niya sa ate niya na ipakilala siya bilang May Naitividad..at mula nun siya na si May Natividad.. sunod sunod ang naging sched ni Devon minsan sa tatlong buwan isang beses lang siya nakakauwi ng Pinas at work pa rin.. kung saan naging magandang excuse yun para hindi sila magkita ng kuya niya pagkatapos lang ng isang taon binansagan na si Devon na super model ng mga fashion critics naging paborito si Devon ng mga designer saan mang sulok ng mundo dahil sa galing nito sa pakikisama at pagiging professional ..
CHAPTER 30


Balik na naman si Devon sa mundo niyang binuo mula ng matutong umibig at mabigo ang puso niya..tahimik itong umiiyak sa may beranda ng kwarto niya..bakit ganun..bakit ang dali dali niya akong masaktan..pero bakit kahit anong sakit ang ginawa nito sa kaniya, kahit pakiramdam niya hinusgahan nito ang pagkatao niya bakit mahal niya ito..sobrang mahal na kahit may asawa na ito na kahit pa magkakaanak na ito ganun pa rin ang epekto ng presensya nito sa kaniya..naalala niya pitong taon na ang nakaraan ng huli siyang umiyak  ng ganito sa parehong sulok..

7 years ago....

Pagkababa mula sa sasakyan ni Ivan, agad siyang pumasok sa loob ng bahay deretso sa kwarto na hilam sa luha dahil sa sakit na naramdaman na umalis na si James.. ni hindi manlang ito nagpakita sa kaniya..di ba dapat hihingi ito ng sorry sa kaniya..di ba dapat..madaming dapat ang naiisip ni Devon..masamang masama ang nararamdaman dahil sa rebelasyong nabatid, kahit minsan di siya pinahalagahaan ng binatang akala niya totoo..kahit bilang kaibigan..masama din ang loob sa kuya Bret niya..bakit ba kasi siya pinaasa nito pinagtakpan nito ang kaibigan,para hindi siya magalit sa kaibigan nito  nagsinungaling ito sa kaniya..hindi totoong dumalaw sa Ospital si James dahil kung dumalaw ito bakit ang sabi ng mga kaibigan niya na hindi na nila nakata ulit si James matapos siyang madala sa ospital nina Fretz, siguro nga isa ito sa nagdonate ng dugo ng mangailangan siya, pero dahil lang yun sa guillt dahil kung hindi siya nito sinaktan, kung hindi nito pinamukha sa kaniya na kapatid lang siya para dito na hindi ang tipo niya ang magugustuhan nito hindi siya malalagay sa panganib..puno ng himagsik ang nararamdaman ni Devon sa dalawang lalaki sa buhay niya una ang kaniyang kuya Bret na sobra niyang mahal at pinagkatiwalaan at si James ang lalaking pinakamalapit sa kaniya pero mas piniling saktan siya...ang tanga tanga ko kasi umasa ako na balang araw pag nakita nito na dalaga na ako ay magugustuhan niya rin ako patuloy na iya ni Devon...

Nang dahil dun biglang nagbago si Devon, kung dati para siyang aso na laging nakasunod sa kuya Bret niya ngayon hindi na,.pagkatapos niyang umiyak ng buong magdamag sinabi ni Devon sa sarili na kailangan niyang ayusin ang buhay niya..siguro may reason kung bakit pinagtakpan ng kuya niya si James..pero ano man yun di niya yun matatanggap at mula din sa araw na araw na yun pinasya ni Devon na iwasan na ang kapatid sa di gaanong halatang dahilan, lahat ng curricular activities sa school na pede siya ay sinalihan niya, madami siyang naging dahilan para hindi na sila magkasama ng kapatid at isa sa naging dahilan niya ay ang pagsama sama sa ate Ann niya sa mga pictorial at shooting ng mga comercials nito, kahit sa labas pa ito ng bansa pag pede siya sumasama talaga siya, masa lalo silang naging close ng ate niya at dahil dito nakilala niya si Pat anak ng RTW na inindorse ng ate niya..tahimik lang siyang nanonod sa may gilid habang kinukunan ang ate niya ng lumapit ito..
Pat: hi lady! are you one of the models?( nakangiting tanong nito)
Devon: no sir I'm not (plain na sagot nito)
Pat: oh, so are you one of the staff?(patuloy na pakikipag-usap nito)
Devon: no(sagot nito na hindi manlang tiningnan ang nagtatanong)
Pat: hmm so why are you here?(patuloy parin nito)
ni hindi na sumagot si Devon, na ikinatawa ng malakas ni Pat weird ,nobody ignore's Pat Del Rio, but this young lady does..she's really different..she seem so sad...
Pat: don't worry I won't court you or anything(pacute nitong sabi)
na ikinatitig ni Devon ..napangiti siya sa sinabi nito at mas napangiti siya na cute din pala ang kaharap..habang si Pat biglang nagsisi sa sinabi dahil ng makita ang ngiti ng dalaga biglang lumukso ang puso niya..whooaaahhh she's even more attractive when she smiles.. even without make-up she's that pretty bulong nito sa sarili..
Pat: ba't ba ang ganda mo..(pacute again)
Anne: because she's my sister Pat( sabad nito na kalalapit lang at narinig ang sinabi ni Pat)
Pat: oh ..no wonder mana sa ate..(napakamot sa ulo)
Anne: of course...
Pat: is she not a model?
Anne: (laugh) modeling is not her cup of tea Pat
Pat: but she's sure a great one if she will be..
Anne: oh Devon baby, have you heard that(malambing na tanong nito)
Pat: sa wakas nalaman ko rin ang pangalan mo..hmm Devon what a unique and beautiful name..
Anne: what!? di pa kayo naiintroduce? oh well.. Pat this is Devon our family's baby, and Baby this is Pat owner of the product i'm indorsing now..
Pat: please to meet you princesa..
Devon: hi po..
Pat: c'mon bata pa ako, I just turned 22..
dito nagsimula ang magandang pagkakaibigan nila ni Pat..naikwento niya lahat kay Pat, at dahil din sa pangako nito di nga siya niligawan nito, pero wala din itong nililigawan dahil manliligaw lang daw ito pag may mag-aalaga na sa kaniya at magpapasaya..

Present...

patuloy sa pag-iyak si Devon lingid sa kaalaman niya kanina pa si Bret nakatanaw sa kaniya..dinudurog ang puso nito sa tanawing nakikita..pakiramdam niya ang layo layo niya sa kapatid niya, miss na niya ang bunso nila..di niya alam kung bakit ito umiiyak ngayon, malaki na ang ipinagbago ni Devon..but for him she's still his baby..di na ito nakatiis dali daling pinuntahan ang kwarto ng kapatid..hindi iyon naka-lock kaya nakapasok siya ng di nito nalalaman..

Bret: baby..(mahinang tawag nito sa kapatid na nakayukong umiiyak )
Dahan dahan na iniangat ni Devon ang kaniyang mukha at mas lalo siyang humagulgol ng makita ang kapatid at yumakap siya ng mahigpit dito..ang laki ng kasalanan niya sa kapatid, isinara niya ang mundo niya dito, nakakausap na lang niya ito casually pero di na niya ito hinayaang makalapit sa kaniya ng dahil kay James nagawa niyang layuan ang kapatid..Di malaman ni Bret kung paano aaluin ang kapatid, ang alam lang niya kailangan siya nito..patuloy pa rin sa pag-iyak si Devon at hinayaan lang siya ni Bret..hindi ito nagsalita niyakap lang siya ng mahigpit just to assure Devon na nandyan lang siya, na di niya ito iiwan, na kuya siya nito at mahal na mahal niya ito..
Devon: kuya sobrang namiss kita( umiiyak pa rin na sabi nito)
Bret: I miss you more my baby( mas lalong hinigpitan ang yakap)
Devon: and I'm so sorry
Bret: its ok baby..its ok.. kuya loves you always( kahit kelan di siya nagtampo sa pag-iwas ni Devon sa kaniya..pilit niya itong inintindi kahit wala siyang mahanap na dahilan ..dahil mahal niya ito..mahal niya ang kailang bunso at naipangako niya sa sarili na kailanman di  na ito masasaktan pa..na hindi na muli malalagay sa bingit ng kamatayan ang kaniyang kapatid..kaya kanina ng makita niyang umiiyak na naman ito gusto niyang sapakin kung sino man ang dahilan ng pag-iyak nito..)

Nasa ganun silang tagpo ng sumulpot bigla si Anne.,
Anne: hey what drama is this? join ako..(sabay lapit at yakap sa mga kapatid)
Devon: ate, you're here?(di makapaniwalang saad nito at yumakap na din)
Anne: of course baby..sobrang namiss ka ni ate..wait ba't mugto ang mata ng super model, president na baby namin?
Devon: wala ate, kelan ka pa dumating?
Anne: kanina pa ako baby now lang tayo nagtagpo kaasi di mo sinasagot ang tawag ko..Bret tell me bakit umiiyak si Devon?may umaway ba?( concern na tanong nito)
Devon: c'mon ate stop it 25 na poh ako, kayo talaga(napangiti, kahit panu masaya na siya mukang kompleto sila ngayon, at ok na sila ng kuya niya..actually ok naman talaga sila siya lang ang may prob.)
Bret: and so if your 25!? ikaw parin ang baby namin di na magbabago yun..di ba ate
Anne: yeah..i miss you talaga ..
Devon: teka ba't ka nga pala biglang napauwi ng pinas?
Anne: itanong mo sa kuya mo..
Bret: actually baby, Fretz and I are now engaged and were planning to have an engagement party this coming saturday..and please baby be there ..Fretz is your bff right  and you will be her maid of honor for sure..
Devon: of course kuya I will promise kahit pa nakaramdam ng guilt dahil madaming beses niyang tinake for granted ang mga mahahalagang okasyon nito dahil pa rin sa tampo..pero now di na niya gagawin yun kahit sigurado pa siyang makikita niya si James at ang asawa nito)..

Nag-ayang lumabas si Anne sa mga kapatid after all di pa nila nagagawa yun.. at masayang lumabas ang magkakapatid..kulitan biruan.. iniwan muna ni Ann ang kaniyang asawa sa mga magulang..feeling dalaga siya nagyon kasama ang mga kapatid..matagal na niya itong gawin pero ngayon lang natuloy..at susulitin niya ito at sisiguraduhing mauulit pa ito.. habang si Devon masayang masaya na makasama ang mga kapatid sa parehong pagkakataon, at nangakong di na niya kelanman hahayaan na magkaroon ng gap alinman sa dalawa...kakalimutan na niya si James..bahala na kung panu at kung kelan..

Wednesday, November 3, 2010

CHAPTER 29

Nabigla si Devon sa nakita niyang papasok din sa hotel kasabay niya si James at ang isang magandang buntis, ito siguro si Trish bulong ni devon sa sarili, kunwari di niya nakita pero nagtama ang mata nila ng babaing buntis na kasama ni James at biglang nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa kaniya na tila nakakita ng magandang regalo na kung saan matagal nang inaasam..

Trish: OMG..OMG.. I can't believe this...your May Natividad right?(tanong nito sa dalaga na di na nagawang lumakad ng mabilis para makalayo, aminin man nito o hindi inggit at selos ang nararamdaman niya sa babaing kasama ni James:
James: silly, she's not May natividad sweetie(saad ni James na Nabigla pagkakita kay Devon, di niya inaasahang makita ulit ito sa araw ding iyon) she's Devon, Bret's sister..
Devon: hi, yes I'am May Natividad, Actually Devon May Natividad Seron (tugon niya sabay ngiti ng pagkatamis tamis sa dalawa,pero mas sa babaing buntis)
Trish: oh my your really pretty, much more pretty in person and no make-up, I'm a huge fan, as in..wait your Devon?Bret's sister? so its you that James were talking about?(nanlalki ulit ang mga mata nito sa narealize na rebelasyon )
James: we'll go ahead Devon, nice meeting you again(dali daling hinila ang kawawang buntis, panu natunugan at kinabahan sa maaring bitawang salita ng dating fiancee na  ngayon ay best friend na niya, alam nito ang lahat..ang nararamdaman niya kay Devon at ang pagkakaroon na ni Devon ng fiancee)
Trish: bye baby, hope we could be real friends(nasabi nalang niya na sinadyang tawagin ng baby si devon para inisin ang kaibigan, who would have thought na ang modelong hinahangaan niya at pinaglilihian niya ay ang babaing iniibig ng kaibigan niyang si James, lagi nitong complain sa kaniya nung nasa states pa sila na, oh trish I miss my baby devon, walang ibang bukambibig sa tuwing nag-kakausap sila kundi si Devon haizzz sigh nito sa isip)

habang si Devon ngumiti na lang dahil sa mabilis na paghila ni James sa buntis,kahit kelan brutal pa rin ito kahit sa babaing buntis ..napapailing na lang si Devon..nang magring ang phone niya..
Devon: magandang lalaki asan kana, please hurry up and rescue me...
Pat: malapit na ako mahal na prinsesa, pasensya na kelangan kong bumagay sa'yo..sinong asungot ba nag nandyan at nagpaparescue ka?
Devon: he's here Pat, and luckily he's with his wife, a beautiful preggy..hurry -up please..
Pat: seconds nalang andyan na ako..

Samantalang di parin makapaniwala si James na ang babaing modelo na nakita niya sa magazine at si devon ay iisa..kaya pala ganun nalang kung magwala ang puso niya noon..

Trish: hmmm ba't tulala ka na dyan? ikaw ha ang galing talaga ng taste mo..(tukso nito kay James)
James: kelan ka pa naging fan ni Devon o May(litong tanong nito)
Trish: well 4 years na, hmm naalala mo nung ininvite tayo ng hubby ko na manood ng ramp run way sa Paris, pero kj ka dun ko siya unang nakita, but i didn't get the chance na malapitan siya, dahil kelangan niyang umalis kagad para sa ibang appointments niya sa ibang bansa, masyado na siyang sikat nung time na yun at mas lalo na ngayon, kahit pa binwasan niya yung mga appearances niya siya pa rin ang pinakasikat, at siya ang pinaglilihian ko ng baby ko ,ya dapat maging kaibigan ko siya sa pamamagitan mo,(mahabang salaysay nito)
James: you mean yung mga magazine mo na nakita kong nakafile lahat ng yun nandun si Devon?
Trish: yes..yes ..yes at yes pa sa iba mong katanungan
di mapaniwalaan ni James ang lahat, panu ba nagka-interes ang kaniyang si Devon sa mundo ng camera, pose and travel..ang alam niya ayaw ni Devon sa mga models tulad ng ate niya dahil puro lang ito kaartehan..pero ngayon isa na itong modelo,isang super model..ng biglang napakunot ang noo nito panu nakita niya si devon na pumasok kasama ang isang gwapong lalaki at hindi iyon ang pinsan niya, is she cheating my cousin? di niya alam kung naiinis siya para sa pinsan niya o para sa sarili niya..kitang kita niya ang lahat dahil hindi naman malayo ang mesang inukopa ng dalawa sa kanila.. ba't ang sweet nito sa lalaking kasama..
Trish: hey ba't ang asim ng mukha mo?
James: nothing..
Trish: oh my, wag ganun masyado kang obvious baka bigla na lang matumba ang kasama ng baby mo ,well they look good together and the man is so handsome(patuloy na tukso nito )
inirapan lang ni James ang buntis na kaibigan..damn..


Habang masaya namang nag-uusap ang magkaibigang Devon at Pat
Pat: mahal na prinsesa ang hari mo nakatingin may balak yata akong sugurin (tawa)
Devon: hay naku Pat baka napatingin lang , he's with his wife ok so please stop assuming..
Pat: are you sure she's his wife?what if they're not, what would you do?
Devon: pagod na akong umasa Pat (pero sa puso inaasam na sana nga wala pa itong asawa dahil pag nagkataon siya ang manliligaw dito..at natawa sa kaniyang naisip na napansin naman ni Pat)
Pat: hmmm ano kaya naisip ng isa dyan at napangiti ng wala naman akong sinasabi
Devon: wala. (sabay tayo )excuse muna Pat punta lang ako ng restroom (para makiwas na rin sa pag usisa ni Pat)

Walang kamalay malay si devon na kanina pa naghihintay ng pagkakataon si James na makausap siya ng sarilinan kaya ng makita siya nitong tumayo hinintay lang nitong makita kung anong daan ang tatahakin ng dalaga saka mabilis na nagpaalam kay Trish at sinundan si Devon sa restroom.

Nabigla si devon ng pag labas niya makita niya si James na madilim ang mukha di nalang niya pinansin akmang lalagpasan niya ito ng bigla nitong hawakan ng mahigpit ang kaniyang braso..
Devon: hey!(nabigla at nasaktan nitong reaksyon)
James: are cheating my cousin ?(galit na tanong nito)
Devon: what!?(hindi naintindihan ang tanong ni James)
James: your my cousin's fiancee, what are you doing with that lame man?what have you become after being a model?a whore? playing my cousin's feelings ang any other man? how many men do you have? why not break-up with Ivan so that no one would stop of becoming who you are now, a high class socialite whore! (galit na galit nitong tanong sa dalaga)

Hindi malaman ni Devon kung anong isasagot kay James ..ano daw? fiancee niya si Ivan? naglalaro siya ng damdamin ng mga lalaki isa siyang whore?.gusto sana niyang ipakita dito ang galit na biglang nabuhay ..pero what's the use..ok  fine I'm a whore, your cousin's fiancee?bahala ka..

James: what!? aren't you gonna say something?(galit at nagtataka dahil walang reaksyong mababanaag sa mukha ng dalaga)
Devon: oh what is it that you wanna hear from me KUYA JAMES?(matamis nitong tanong na diniinan ang huling dalawang kataga)
James: say something to justify your self(inis dahil naapektuhan sa sweet tone na ginamit ng dalaga,at sa pagtawag nitong kuya sa kaniya)
Devon: oh..I'm so sorry ..I'm not gonna do that..

dahan dahan lumapit kay James na nagpapanik na dahil sa malapit na malapit na ang dalaga sa kaniya at amoy na niya ang mabangong hininga nito..at hindi siya nakakilos ng biglang dumampi ang mga labi ng dalaga sa labi niya..and now Devon started kissing him..walang nagawa si James di niya kayang labanan ang temptasyong inihain ni Devon, panu nga ba niya malalabanan kung yun ang pangarap niya pitong taon na ang nakaraan hanggang ngayon ..and they kissed passionately..darang na rin si Devon ..di niya inasahan na magrerespond ito sa panunudyo niya,bago pa may makaita sa kanila at bago pa niya maamin dito ang nararamdaman niya..boung lakas niyang kinondisyon ang utak at puso niya na itigil na ang pag-halik sa binata..gusto lang naman niyang inisin ito eh..habang si James ay lunod na lunod na dahil sa tamis at sayang nararamdaman bahala na..wala itong ka-idea idea sa mga pinpalno ng dalaga at nabigla siya ng tumigil ito sa pag halik at pagmulat niya nakita niya ang mukha ng dalaga na nakangiti, ngiti na kahita sinong lalaki ay mabibighani..

Devon: enjoyed my kiss?(nang-aakit na sabi nito)

Hindi magawang sumagot ni James dahil ang kaninang sweet na mukha at boses ni Devon ay napapalitan na ng kapilyahan..ni hindi siya makaimik..tiningnan niya lang ang dalaga..nakita niya tumalikod ito na akala mo nasa run way ng fashion show ngunit bigla ulit itong lumingon saka nagsalita..


Devon: oh well .. you haven't change a bit..your still a lousy kisser as far as I can remember ...by the I have a proposal..do you want to be in line of my many men?don't worry, I'm pretty sure that Ivan won't mind at all..just call me ..ask my number to Ivan (mockingly smock him at malanding lumakad palayo..palayo sa lalaking ewan kung bakit palagi siyang sinasaktan..nanginginig ang tuhod niya sa galit, sa inis at sa presensya nito at lalong lalo na sa halik na pinagsaluhan nila, di niya inakalang ganun kalakas ang impact sa kaniya..sabagay di pa naman siya nakipaghalikan sa ibang lalaki dahil wala pa naman siyang pinpapasok sa puso niya maliban dito..


Habang si James ay napako na sa kinatatayuan niya..di mapaniwalaan ang mga nangyari Devon really kissed him, and damn she taste like an expert..mas lalong umapoy sa galit ang damdamin ni James sa isipin na madami pang lalaki ang nakahalik sa mga labi ni Devon..kinapa niya bigla ang kniyang labi pakiramdam niya nakalapat pa din dun ang mga labi ng dalaga..at kung hindi niya lang pinsan si Ivan kakagatin niya ang proposal ng dalaga at sisiguraduhin niya na hindi na ito mahahawakan ng ibang lalaki nito desperadong bulong nito sa sarili..ganun na ba talaga si devon..patuloy sa malalim na pag-iisip si James kaya di na niya napansin ang paglapit ni Trish na takang taka kung bakit ito naroon , sa dinami -rami ng lugar na pede nitong pagmuni-munihan bakit sa ladies restroom pa..

Trish: hey what are you doin here, my hubby has arrived already and his looking for you?
James: oh ( yun lang nag nasabi nito at mabilis na umalis sa di malamng dahilan at laking dismaya nito ng makita na wala na roon ang dalaga at ang kasama nito,at mas lalong nagalit at nainis dahil sa naisip na baka nasa intimate na lugar ang dalwa..damn damn that man..