Thursday, October 28, 2010

CHAPTER 28

Nabigla si James sa nabungaran ayos ng opisina ng kaibigan..natawa siya.. dito sila huli nagkita ng kaibigan at hindi ganito ang ayos ng opisina nito..hmm siguro si Fretz ang ginawa nitong designer panu pambabae ang ayos at may taste talaga itong si fretz ha..nilibot niya ang paningin at nakita niya ang portrait ni Devon sa wall, para siyang nahipnotismo sa ngiti ng dalagang nasa larawan na naksabit sa ding-ding at namalayan na lamang niya nasa harap na siya ng larawan at di napigilan na hinawakan at dinaanan ng kamay ang bawat bahagi ng mukha ng dalaga..Bret really loves her sister para mag-lagay ng portrait nito sa loob ng opisina instead of fretz's (bulong nito sa sarili)you've changed a lot baby..will the book of life be change and instead of Ivan its me that holds your hands and its me whom your heart would beats for..why it has to be him..lucky Ivan to have such a beautiful girl and for sure she'll be a beautiful bride on her wedding day and a wonderful wife for the rest of her life (patuloy na kausap nito sa sarili habang nakatitig sa larawan ng dalaga..at sumikip ang dibdib sa sakit na naramdaman sa isipin na kahit kelan hindi ito magiging kaniya pagkat pag-aari ito ng pinsan niya at kitang kita niya sa dalaga ang kasiyahan ng makita ang pinsan..

Bumukas ang pintuan excited si Devon na makita kung sinong kaibigan ang dumalaw sa kaniya panu halos kada araw binibisita siya ng mga kaibigan ..at biglang nanginig ang mga tuhod niya ng makita kung sino ang nasa loob na nag-aantay sa kaniya nakatingin sa larawan niya..kahit matagal na ng huli niya itong nakita kilala niya pa rin ito at kilala parin ito ng puso niya na naghuhurumentado na naman dahil sa muling pagkakita sa taong kahit anong sakit ang dinulot sa kaniya pinanabikan pa rin niyang makita..gusto niyang umatras at tumakbo na naman papalayo...papalayo dito papalayo sa taong alam niyang may nag-mamay-ari na pero bakit ito nakatingin sa larawan niya at ano ang ginagawa nito sa opisina niya..hindi na alam ni devon ang gagawin niya bakit ba kasi laging di niya alam ang gagawin sa tuwing nakikita niya ito..akma sana siya tatalikod pabalik sa pintuang nakasara ng biglang humarap si James at muntikan itong mapsandal sa dingding sa lakas ng impact sa pagkakakita sa dalaga kanikanina lang kinakausap niya ang larawan ..James becomes speechless ..the woman he's been dreaming for 7 years is here now right infront of him and they met their gaze parang hinihigop na naman si James ng magagandang mata ng dalaga..walang may kumikibo..patuloy lang ang tinginan naramdaman nalang ni Devon na tumutulo na ang luha niya..she didn't noticed she's crying and the next thing she knew yakap na siya ni James, na sa di malamang dahilan pagkakita nito sa luhang umaagos sa mga mata ng dalaga bigla niya itong nilapitan sabay niyakap..oh God i've missed you baby bulong nito na narinig ni Devon at bigla di mawari hinigpitan pa niya ang yakap dito..yumakap din ng mahigpit si Devon..bahala na kung panu siya nito namimiss ngayon lang pagbibigyan niya muna ang sarili sobrang namiss niya ang binata walang minuto na hindi ito sumagi sa isip niya kahit pa sa tuwing naiisip niya ito ay sumasakit lang ang puso niya..ilang minuto din sila sa ganung tagpo..tagpo na biglang nabago ng bumukas ang pintuan at iluwa nito si Ivan..

Parang napaso si James ng makita kung sino ang dumating..bigla siyang nakaramdam ng hiya at guilt dahil sa pagyakap niya sa babaing may ari ng puso niya pero pag-aari ng pinsan niya..wake -up James she can never be yours.. with all his might kahit di niya pa gustong gawin binitawan niya si Devon and smiled..habang si Ivan ay nabigla sa nakita he's happy to see his cousin sa wakas magiging complete na ang kasiyahan ni Devon

Ivan: James kelan ka pa dumating? I'm glad to see you cuz (niyakap ang pinsan na bumitaw mula sa pagkakayakap kay Devon)
James: two week ago na ..(answered with guilt)
Ivan: so panu mo nalaman na nandito si Devon?
James: what?
Ivan : will obviously kasi nasa ofis ka ni Devon the new Pres of this building..
Devon: ako ba di mo babatiin (tanong nito ng nakangiti kay Iavn na tila nakalimutan na siya )
Ivan: oh i'm sorry D..(biglang niyakap ang dalaga at hinalikan sa pisngi) (lumingon si James para di Makita ang pagahalik ng pinsan niya..kaya di nito nakita na sa pisngi lang ito humalik ..a friendly kiss..)
James: gotta go guys (walang lingon likod na umalis di na hinintay ang sagot ng dalawa, kelangan niyang makalayo sa lugar na yun, mababaliw yata siya sa sakit ng katotohanan na ang babaing di kailanman nawaglit sa isip niya sa loob ng pitong taon ay pag-aari ng pinsan niya,guilt dahil nakalimutan niya ang katotohanang yun ng makita niya kanina ang dalaga, malungkot na nginitian niya ang secretary  ng lumabas siya sa opisina ni Devon na ipinagtaka naman ng mga nandun kasi kanina lang parang excited eto.

samanatala sa loob ng opisina nagtataka man si Devon sa biglaang pagpapaalam ng huli masaya siyang makita ulit si James kahit pa nagkabalikan na ito at ni Trish, atleast pinuntahan siya nito, at dahil dun biglang nawala ang galit na naramadaman niya noon kay James, habang ngingiti -ngiti naman si Ivan na nakatingin sa kaniya
Devon: what?!( tanong na guilty sa ewan)
Ivan: Nothing, sa wakas magiging masaya ka na..
Devon: noh kaba may Trish na yun noh..
Ivan: hmm di ko naman nabalitaan nakinasal si James eh, so may pag-asa kapa(sabay kindat)
Devon: di na ok na ako na kahit panu di niya pala ako binaliwala..haizz may lakd ka mamaya? dinner tayo, punta kasi ako sa isang branch ng hotel namin at balak kong dun nalang din mag dinner..
Ivan: I'm so sorry D, may date kami ni Yen sina Shey nalang akayin mo
Devon: hay naku ang mag yun busy yun sa pamilya  nila..pupunta nalang siguro ako ng mag-isa dun..
Ivan: si James nalang ayain mo(sabay halakhak dahil sa panlalaki ng mata ni Devon )
Devon: yoko nga, as if naman may number ako (laugh)ano nga pala ipinarito mo?
Ivan: lunch tayo alam ko kasing di ka na naman magla-lunch eh..

Natawa nalang si Devon panu kilalang kilala talaga siya ni Ivan, buti nalang at hindi siya pinagseselosan ng nobya nitong si Yen, ganun palagi ang set-up kung hindi si Ivan, si Eslove,di Kaya si Joe, si Pat, at ang iba pa nilang kaibigan ang pumupunta sa kaniya tuwing lunch para lang kumain siya, biro nga sa kaniya ni Joe at Eslove nung magkasabay ang dalawa na ayain siyang maglunch, masyado na raw siyang sexy para isipin pa ang mag diet..bokya man sa lovelife mayaman naman siya sa kaibigan..

Thursday, October 21, 2010

CHAPTER 27

dalawang linggo na si James na nakabalik Pinas at dalawang linggo na rin hindi nakakatulog  si James ng maayos kelangan nilang mag-usap ni Bret, naalala niya noon bago siya umalis..

7 years ago...

Bret: dude what brought you here? (sabay yakap sa kaibigan)
James: Trish called, I'm leaving this afternoon (malungkot na sabi nito)
Bret: what?! am I hearing you right..?Trish called and your leaving?(di makapaniwalang tanong nito)
James: yes (umupo sa couch ng opisina ni Bret)
Bret: are you two back in each others arms again?
James: of course not (mabilis pa sa alas kwatro na sagot nito)
Bret: oh (napailing)
James: how can i love her when your sister's already occupying the space i thought was hers..
Bret: really (nangingiti)
James: what's with the smile dude?
Bret: nothing..i didn't know your space ain't for rent na pala..laugh the question is does the owner of the space knew bout it already?(said it teasingly)
James: tell me honestly bro would you be willing enough to be called kuya bye me ?laugh
Bret: the question is will she be willing...Laugh.. kidding aside dude have you talked to her already?
James: actually..galing ako sa school nila ..i saw her there... she's different..but she became more beautiful..she smiles demurely..the accident changed her...I wanted to go near her ..but fears hold me that i might ruin her beautiful day..that she might ran far away again just like what she did before...(mahabang tugon nito sa kaibigan)
Bret: so why are you leaving? you just said that my sister already owns the space (sabay turo sa puso ng kaibigan)
James: I will go there for reasons..1st to settle things with Trish..she wanted to make things right with her new man and she's happy,I can feel it with her voice and I'm glad..2nd dad wants me to attend our business there..training na din para sa business na hahawakan ko dito..3rd for Devon..
Bret: ohw hmmm Devon?
James: dude she's still young ..still studying..infact she's my cousin's girl now..but maybe when i come back she's not with him already..that's when I'll pursue her..and I need your approval..
Bret: really?what if she's still available when you came yet she'll despise you coz of what you did to her,what will you do..
James: oh I'm sorry dude but I'll assure you she will love me..I'll do everything for her to love me when that time comes ..
Bret: ok 'll give you my approval just make sure you won't hurt her again ..coz when you do it again I'll kiss goodbye to our friendship..(seryosong tugon nito sa kaibigan)(nagkamay )
James: so panu pare alagaan mo muna siya ha ,pagbalik ko kukunin ko na siya sayo(ngumiti ng nkakaloko)
Bret: loko-loko si Ivan ang sabihan mo niyan diba sabi mo sila na ng kapatid ko (tukso sa kaibigan,but at the back at his mind promising James to take care of their baby para sa pagbabalik nito ,alam niya kasi na mahal din ang kaibigan ng kapatid)
James: oh salamat dude..i really have to call Ivan magpapahatid ako sa kaniya..
Bret: magpapahatid o bibilinan mo (laugh)

Present....

ahhh damn i really have to visit Bret now..we really have to talk ..dali daling naligo nagbihis at sumakay sa sasakyan para puntahan ang kaibigan sa opisina nito..hindi pa nito alam ang pagdating niya isurprise niya ang kaibigan ni minsan hindi ito nagparamdam sa kaniya ...napapailing ito sa naisip naintindihan naman niya na busy din ito dahil nung time na yun gnogroom na ito para sa paghawak ng mga negosyo nila at siya rin naman..

Nakarating na siya sa building ng opisina ng kaibigan dali dali siyang bumaba sa sasakyan at pumasok sa loob ng building patungo sa opisina ng kaibigan ..halos lahat ng nandun ay tumitingin sa kaniya ..panu akala mo isang greek god na bumaba sa lupa sa kagwapuhan ang binata..

James: Hi! is your boss around?(tanong nitosa secretary at ngumiti ng pagkatamis tamis)
Erlou: ahm ah she's still at the conference room sir(stammer na sagot nito sa gwapong kaharap)
James: oh really..can i Just wait inside (tanong nito na hindi pinansin ang pag-address ng secretary)
Erlou: sure sir..(pinipigilan ang kilig at sinamahan si James papasok sa room saka lumabas)
Van: girl sino yun? bf ba yun ni mam Devon(kilig nitong tanong sa secretary na kalalabas lang)
Erlou: waaaaaaaaaahhhhhh mare ang gwapo grabe... siguro ..haizz mula ng si maam Devon ang maging president ng company madami na akong nakikitang gwapong nilalang..ba't ganun lahat ng dumadalaw kay maam ang gagwapo..(kinkilig na sabi nito)
Liz: normal lang yun noh sa ganda ba naman ng presidente natin ..tayo lang yata yung may president na super model noh..at mabait pa..
Van: pero 1st time kong nakita yun...ano nga pala pangalan nun?
Erlou : yun ang di ko natanong..nakalimutan ko eh ..panu nginitian ako haizzzzzzz
Devon: at sinong ngumiti sa'yo at nagkaganyan ka?(tanong nito sa secretary na naabutan niyang tila nanaginip )
Erlou: ay maam sorry nanjan na pala kayo..(kinabahan dahil naabutan na nakikipagchika)
Devon: hay naku erlou di mo pa ako sinasagot sino yung ngumiti sa'yo?(sabay ngiti sa secretary)
Erlou: maam may bisita po kasi kayo pumasok na siya sa loob ng office mo..mga 15min na poh..
Devon: ah talaga sige( mabilis na pumasok sa opisina akala niya kasi isa sa kaibigan niyang lalaki..hmmm sino kaya at ganun nalang kung makangiti yung mga empleyado kong magaganda..napapangiti )
CHAPTER 26

7 years after.......

Sakay si James ng plane pabalik Pinas...30 minutes nalang nasa bansa na ako kung saan naiwan ang puso ko corning bulong nito sa sarili excited siyang makauwi ilan taon din ang tiniis niya..madaming beses niyang sinubukan na tawagan si Devon pero natakot siya na baka di pa siya nito naaalala o di kaya galit ito sa kaniya dahil sa ginawa niya..alam niyang nasaktan niya ng lubusan ang dalaga noon dahil hindi pa siya handa , pero ngayon handa na siyang ipagtapat ang nararamdaman at sigurado na siya..ng biglang makita niya ang katabing dalagita na binubuklat ang magazine na hawak nito, walang pasabi na kinuha niya ito at tiningnan ng maigi ang nasa cover na model at bigla niyang nabigkas
James: Devon...(di alam na lumabas pala yun sa kaniyang bibig at narinig ng dalagita)
Barbie: excuse me poh its my mag and its not Devon and i'm sure that my idol is prettier with that devon of yours whoever she is (saad nito na medyo maarte)
James: what? i mean what's her name?
Barbie: Mae Natividad poh.. after college i'll be like her too..she's really cool she manage to finish her studies 1st saka lang siya nagmodel nung nakatapos na siya at habng nagmomodel kumuha pa rin siya ng MB haizzz tapos may mga charity works din siya at may mga investments...mayaman daw sila (patuloy saad nito na tila nangangarap pa)
James: oh Mae Natividad( malayo nga sa pangalan na Devon she really lookz like her,but for sure hindi yun magmomodel  natawa siya sa naisip tama hindi magiging model yun dahil ayaw nun sa maarte..tiningnan niya uli ang larawan ng babae hindi niya mapigilan pero masyadong malakas ang pintig ng puso niya habang tintitigan ito its so funny pati tong puso ko nalilito bulong ulit nito sa sarili na napapangiti maganda talaga ito maganda ang hugis ng malaangel na mukha  at ang body curve ay walang maipintas..huh biglang iwinaksi nito sa ulo ang babae sa larawan pero patuloy itong bumabalik sa kaniyang isipan tiningnan niya uli ang larawan na hindi na niya ibinalik sa dalagita at sinuring mabuti  ang ganda ng tsinitang mata nito pero maraming kwento ang nandun bakit tila puno ng pait ang mga mata nito?hindi niya napigilan basahin ang naka-quote sa ibabang  bahagi katabi ng pangalan nito:"being single doesn't mean your unattractive...there could be a lot more reason why singles remain single maybe because they're just making themselves available so that when the right one comes there'll be no hassles (laugh)and spare me i may be single but i'm no longer available" di malaman ni James pero may kurot siyang naramadaman sa quote nito..naalala na niya naman si Devon panu nga pala kung may nagmamay-ari pa rin sa puso nito..sila pa rin kaya ng pinsan ko...hindi niya kasi kailanman tinanong sa kaibigan ang tungkol sa pinsan at kay devon.. ah bahala na saka ko na iisipin yun ..sa ngayon ang mahalaga sa'akin ang masilayan siya at pag-nabigyan nang pagkakataon kelangan niyang malaman ang totoo kong nararamdaman..only if she's still available..

Kasama ng ibang mga pasahero kinukuha na ni James ang kaniyang bagahe ng may makita siyang isang pamilyar na mukha hindi siya makakilos,ibang pintig ang gingawa ng puso niya na tila hindi na siya makahinga sa sobrang lakas at bilis nito..damn ba't di niya nalaman na sakay din pala ito sa eroplanong kaniyang sinakyan paalis na ito ng makabalik siya sa tamang huwisyo nagmamadali niyang kinuha ang kaniya bagahe at halos takbuhin ang pagitan para lamang maabutan ang babaing laman ng puso at isip niya mula ng una niya itong makita ..
James: Devon devon devon (sigaw na tawag nito sa pangalan ng dalagang naka-short at white t-shirt at walang make-up ganun paman lutang parin ang ganda nito at talagang nililingon ito at madaming tumatawag dito flashes of camera's are everywhere..biglang nagkagulo ang mga tao pagkakita sa dalaga ngiti at kaway naman ang sagot niya sa mga ito may narinig siyang tumawag sa kaniya pamilyar sa kaniya ang accent nito bigla siyang lumingon galit siya dito pero inaasam niya parin makita ang may ari ng pamilyar na boses..at napasinghap ang binata ng lumingon ang dalaga pero tila wala itong nakita at nakita na lamang niya na inaalalayan na ito ng mga escort para makalabas ng maayos sa airport at may mga kasama din ito...samantalang si Devon ay napapailing nalang sa sarili panu kasi kahit sinaktan siya ni James ang tanga niyang puso patuloy pa rin na umaasa kahit pa alam na niyang nagkabalikan na ito ng fiancee nito na makita itong muli .. kumaway ang dalaga sa mga reporters at mga tao bago sumakay sa sasakyan na naghinhintay sa kaniya..pagkapasok sa sasakyan dun na makikita ang totoong Devon..nasa kaniya na lahat career,pamilya, kaibigan,lahat na siguro na pedeng hilingin g isang tao pero bakit sa tuwing nag-iisa siya ramdam niya ang lungkot simbolo ng isang hindi pagkakompleto ng pagkatao niya..mataman na pumikit ang dalaga at inalala ang kaibigan na si Ivan magpopropose na ito sa kaibigan niyang modelo at nagpapasama ito sa kaniya na bumili ng engagement ring masaya siya para sa bestfriend niya at sa kaibigan na si Yen sino ba ang mag-aakala na mag-kakadevelopan ang dalawa na tinutukso niya lang dati at ngayon kahit pagod siya dahil kagagaling lang niya sa isang pictorial kung saan nilibot nila ang buong kontenete na ata para sa isang International mag kung san siya ang kinuhang lead model at cover ..

Samantalang si James ay nagmadaling hinanap ang sundo niya at mabilis na pinasundan ang sasakyan ni Devon madaming tanong ang naglalaro sa isipan niya kung san ito galing,kung bakit pinagkaguluhan ito ng mga tao at reporters lahat na yata gusto niyang itanong dito ..di rin ito mapakali habang tinitingnan ang sasakyan ng dalaga na swabe lang ang takbo nang bigla itong pumara sa isang Jewelry shop..what is she gonna do there? hmmm bibili siguro ng pasalubong sagot niya sa sariling tanong..lumabas ang dalaga sa sasakyan nito at parang biniyak ng paulit ulit ang puso niya at parang sasabog ang dibdib niya sa kaniyang nasaksihan..hindi makahinga ang binata so sila pa pala bulong  nito sa sarili..

habang si Devon ay dahan dahan na lumapit sa lalaking kanina pa naghihintay sa kaniya at ngayon ay nakantabay ang mga bisig at handang yakapin ang babaing hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ngunit bilang pinakamatalik na kaibigan nalang dahil may nakabihag na ulit sa puso nito ..
Ivan: D i've missed you huh lalo kang gumaganda wala bang nakasalubong sa ibang bansa na magpapatibok ng puso mo tanong nito sa kaibigan sabay halik at yakap na mahigpit.
Devon: lokoloko sabay palo sa kaibagan habang magkayap.. i've missed you too man..
at magkaakabay na pumasok ang dalawa sa shop kung saan si Devon din ang may-ari nito at business partner niya si Fretz

Iyon ang tagpong nasakasihan ni James ..wala na pala siyang babalikan wala ng lakas si James para ipagpatuloy sana ang pagtatapat sa dalaga ..hindi niya pwedeng sirain ang matibay nitong samahan after 7 years sila parin ..ayaw na niyang saktan ang dalaga ulit at ayaw niya rin masira ang samahan nilang magpinsan  nasa ganun siyang estado ng pag-iisip ng makita niyang lumabas ang dalawa may hawak na Jewelry box si devon at masayang masaya so they're engage now..bulong nito at lubhang nasaktan sa nasaksihan kaya sinabi niya sa kaniyang driver na umalis na sila ..at di na niya naabutan ang pagdating ng isang maganda babae na lumapit kaagad kina Devon at humalik sa labi ni Ivan ang babaing aalayan ng singsing na hawak ni Devon kanina..

masayang nagpaalam ang dalaga sa dalawa kelangan niyang makauwi para makapagpahinga dahil bukas ang unang araw niya para naman sa negosyo ng pamilya kung saan siya ang hahawak nito dahil ang kuya Bret niya ay madaming hinahawakan na negosyo at kinausap siya ng mga magulang na hawakan ang hotel and resto na business ng pamilya at sinabi niya na pagkatapos ng tour na kaniyang pinaggalingan saka niya hahawakan ang negosyo dahil ang ate niya ay nag-asawa na at doon na sa France naninirahan kasama ang negosyanteng prances na napanagsawa
CHAPTER 25

Inudyukan ng Boys na manlibre naman si Ivan ng meryenda tutal naman daw eh ito ang unang beses na dinalaw niya si Devon dito  sa campus at walang nagawa ang pobreng Ivan kundi ang ilibre nga ang mga bagong kaibigan na nakilala dahil kay Devon samantalang di mapakali si Devon gusto niyang malaman yung paghatid nito kay James pero di na muna nito tinanong si Ivan dahil tiyak tukso ang aabutin niya sa mga kaibigan.

Sumakay lahat ang girls sa sasakyan ni Ivan samantalang ang boys ay meron naman single na menamaneho sa isang food chain malapit sa kanilang school sila nagtungo..nandun na ang dalawang tukmol sa loob ng makarating sina Devon at akala mo sila ang magbabayad dahil kinakausap na ang isang waitress na maganda natawa na lang ang magkakaibigan sa naabutan nilang tagpo..clubhouse and fries ang order ng girls w/ water melon juice samantalang  kung ano-anong pagkain ang inorder ng tatlo nakisabay na rin si Ivan sa kakulitan ng mga ito..masaya ang lahat nagtatawan dahil sa kakenkoyan ng dalawa..

Joe: alam mo pareng Ivan  sana palagi mong madalaw itong si baby devz...
Eslove: tama para may libreng snack lage (sabay akbay kay Ivan at gve me five kay Joe)
Devon: ah ganun gagamitin niyo na naman ako para sa kapakanan ng mga tiyan niyo (irap kunwari)
Shey: choks lang yan devz atleast kasali kami na nakakabenefits dito
Fretz: tama bessy masaya diba(sabay kindat)
Eslove: nice pretty fretz sa wakas sumang-ayon ka rin s'min ni paring Joe(sabay yakapan ang mga mokong at pahiran kunwari ng luha pati tenga pinahiran na ikinatawa na naman ng lahat)
Kaira : yuck kadiri talaga kayo..baka mamaya niyan kayo na ha..(pabiro nitong sabi)
Joe: bakit selos ka no?selos ka? ha? ha? bleehhhhhhhh(akala mo batang nakikipag-away  tawanan na naman)
Devon : di nga baka isa sa inyo ang closet..aminin na ok lang naman sa amin  eh(pilyang turan nito)
Joe: ang alam ko lalaki ako ewan ko lang kay eslove (kunwari nandiri sa katabi)
Eslove: papa Joe ha denideny mo na ako ngayon( sabay lingon kay Ivan )pero chokz lang dito naman si papa Ivan eh di hamak na sobrang papables kesa sau (pabaklang turan nito saby irap at yakap kay Ivan na ikanatawa na naman ng lahat)
Shey: tukmol ka an landi mo(sabay hampas kay Eslove ng pamaypay)kay devon na yan kung si Joe pinatulan ka Hindi yan papatol sa'yo layo mo kaya sa hitsura ni Devz(turan nito na ikinapula ng pisngi ng dalawa)
Eslove: ouchy ouchy naman yun mare sige na nga Kaira sagutin mo na kasi ako(biglang kambyo nito na muntikan ikahulog ni kaira sa upuan)
Kaira: gago(biglang hinambalos ng  bag)
sigawan ang mga itodahil sa biglang liko nito alam nila na may gusto sa isa't isa yung dalawa pero si Eslove natotorpe at si Kaira naman di pa daw siya ready if ever ligawan siya nito  dahil prioroty niya sa ngayon ang makatapos ng pag-aaral at makahanap kaagad ng trabaho ng di na sila gaanong maghirap..tulad din ni Shey di pa ito ngbbf kahit madaming nanliligaw dahil ang makatapos at makapagtrabaho din ang priority nito.
tawanan ang lahat  dahil sa kakulitan ng mga ito kahit yung nasa ibang table at mga staff na nandun ay nakikitawa din..
Natapos silang kumain at nagsiuwian na ang mga ito si Fretz sinundo ng kuya ni Devon ,samantalang yung dalawang girls nakiangkas sa motor ng dalawa..sinadya ni Devon di magpakuha sa driver niya at di sumabay sa kuya niya dahil gusto niyang makausap ng sarilinan si Ivan
Ivan: salamat naman at masosolo din kita(sabay kindat)
Devon: lokoloko (sabay hampas at tumawa pero sa isip nito tama nasolo na din kita)
Ivan: uuwi na ba tayo?
Devon: yup ...ahmm saan ka nga ulit galing kanina?
Ivan: sa airport( na tila wala lang sa kaniya ang pagtatanong ni Devon)
Devon: hmmm airport? bakit noh ginawa mo doon?
Ivan: hinatid ko si James..biglaan nga eh nandito ako para sa business ng pamilya ko i'm staying here for good  tapos bigla akong tinawagan ni James nagpapahatid di daw kasi niya dadalhin ang sasakyan niya kasi di pa niya sure kung kelan siya babalik eh ..
Devon: bakit siya biglang napaalis ng bansa?
Ivan: oh well his ex-Fiancee called him siguro they're back for good and business din (walang gatol nitong sabi na walang kamalay-malay talaga sa epektong dala ng bawat katagang binitawan niya sa dalaga na katabi niya
Devon: ah talaga( yun lang ang naitugon ni Devon dahil baka pumiyok siya pag nagsalita pa siya di niya alam ginawa niya ang lahat para pigilan ang luhang nagpupumilit dumungaw sa kaniyang mata pero di niya nagawa tuloy tuloy ang pag-agos nito na ikinabahala ni Ivan ng mapansin na umiiyak ang dalaga sa di malamang dahilan)
Ivan: hey buddy what's wrong?( sabay parada ng sasakyan sa tabi)
Devon: sorry ..nothing napuwing lang ako ( pilit kinkalma ang sarili)ayan na ang bahay namin
Walang nagawa si Ivan kundi sundin ang sinasabi ni Devon gusto man niyang alamin pero tila hindi ito ang tamang panahon..habang binbaybay niya ang daan patungo sa condo di niya maiwasan isipin ang ginwang pag-iyak ni devon at nakita niya sa mga mata nito na pilit man ikubli ang totong nararamdaman ay nasasaktan ito bakit? yun ang tanong ni Ivan sa sarili what was that pain for?napabuntunghininga ang binata alam niya na kanina pa na may nagbago dito..hindi ito ang Devon na nakilala niya 3 years ago..ano nga ba ang nangyari before the accident patuloy  na nag-iisip and Bingo it was James whom she last talked before anything happened and it was about James that they were talking about kanikanina lang bago ito umiyak...oh no..i hope not bulong nito sa sarili..will it be posible that she's inlove with my cousin?pero ...pero anong ginawa ng pinsan ko bago ang aksidente..galit na nasuntok ni Ivan ang manibela dahil sa kaniyang pagiging insensitibo nasaktan niya ang dalaga ng di sinasadya..

Wednesday, October 20, 2010

CHAPTER 24

Nabulabog ang pag-iisip ni Devon tungkol sa sasakyan at sa may ari nito dahil sa walang patid na panunukso ng mga kaibigan..at ang kukulit ng mga ito..

Joe: baby devs masaya ako na naaksidente ka(pakwelang sabi nito na nagdidaydream pa yata)
Eslove: oo nga baby devz ...
Devon : huh?( walang idea dahil sa pag-iisip sa isang tao pero nakabawi naman kaagad at nakisabay ng hirit at kulitan sa mga kaibigan)ah ganun ha kahit pa magkasakit ako ng magkasakit paltos na kayo sa ate ko (sabay tawa at belat sa mga ito nakalimutan ang pangakong magiging mahinhin na)
Eslove: wag naman ganun baby Devz ..punta tayo ulit sa inyo after class sige na (sumamo nito sa dalaga)
Kaira: ay naku Devz wag kang padadala sa mga yan gusto lang makita ate mo(sabay kindat kay Devon)
Devon: sinabi mo pa kaira talagang di ko na papupuntahin sa bahay ang mga yan akalain niyo lumabas ang tunay na kulay ng mga aito akala mo totoong kaibigan ko yun pala ginagamit lang ako para makita ng free yung ate ko at gusto pa yatang di nalang ako nagising haiz(tampo kunwari pero kinindatan din ang mga girls)
Eslove: naku ha wag kang magsalita ng ganyan mas mahal ka naman namin kesa ate mo crush lang namin yun isa pa idol yun ang galing manamit..ang gaganda niyong lahi baby devz(alo nito sa kaibigan na tila bumabawi)
Joe: ang totoo mas maganda ka sa ate mo ya nga lang sikat ang ate mo super model eh( ayun daydream ulit ang mokong)
Devon : talaga maganda at supermodel ang ate ko at wala kayong kapag-a pagasa na mapapansin nun sabay batok sa mga ito
Eslove: aray ko naman kelangan mo ba talaga kaming batukan pagkatapos mo kaming yurakan at maliitin (pabading niton sabi na kinkamot ang ulo na nasakatan talaga)
Devon: kulang pa nga yan eh..pasalamat nga kayo nakadamit pambabae ako dahil kulang pa yan gusto niyo pala akong maaksidente ha ayoko na sa inyo(patuloy na pagkukunwari nito)
Joe: baby devs sorry na di na namin crush ate mo(sumamo nito)
Shey: haiz devz hayaan mo ang dalawang yan nung nasa ospital kapa sila lagi umoubos sa pagkain na dala namin at sa kung anong meron pa dun (sabay Kindat at talagang pingkakaisahan yung dalawang boys ng grupo)
Kaira: oo nga devz at madalas pang tinatanong kung kelan daw ba dadalaw ate mo o kaya kung dumalaw na (sulsul din nito)
Eslove: at tama bang makisawsaw kayo imbes na tulungan niyo kami na batiin si baby devz ginagatungan niyo pa..lage na lang bang si val si val na wlang malay( pakwelang sabi nito na nagpahagalpak ng tawa kay Devon)
Joe: ayan na tumawa na ang prinsesa bati na kmi sabay puppy eyes
Fretz: ang cute ni joe parang yung black german dog namin  (tumawa ng malakas at sinabayan ng palakpak na ikinatawa ng lahat maliban kay Joe)
Joe: fretz akala ko pa naman anghel ka ba't ganun ang bad bad mo ginawa mo pa talaga akong aso ha (sabay nagdrama na kunwari umiiyak at pabading na sinusuntok ang puno ng acacia )
Eslove : oo nga fretz ba't ganun tulad ka din nila mapang-api huhuhu drama ulit kunwari at nakipokpok ng pabading sa parehong puno ng acacia sabay sabi kay Joe )chokz lang yan pare atleast imported hindi askal hehehe
tawanan ang lahat ..namisss ni Devon ang mga ganitong eksena ang mga kulitan nilang magkakaibigan ..pinangako nila sa sarili na kahit anong tampuhan dapat masaolve kaagad at babatukan ng malakas ang pikon hehehe unag araw pa lang ng klase nag excel na kaagad si Devon yun ang kaibahan ng grupo nina Devon lahat sila magaling sa klase at yun ang kaibahan nina Fretz at Devon sa ibang anak mayaman kasi di nila kinailangan gumamit ng impluwensiya ng pamilaya para lamang makilala sila at makuha ang respeto ng mga kaeskwela at kahit na ng mga instructors sa eskwelahang kanilang pinapasukan.. matatalino..mabait, simple humble at ni minsan hindi nanapak ng tao..

walang klase sa last subject ang magkakaibigan nagkaroon kasi ng meeting ang mga instructors kaya balik tambayan ang magkakaibigan ng makita ni Kaira ang papalapit na si Ivan
kaira: D si papa Ayveeen ang gawapooooo(tiling buling nito kay devon na biglang napalingon sabay takbo at yakap dito na pinagmulan ng kantyawan at sigawan kahit na ang ibang estudyante na nandun eh nakisigaw at nakitukso rin.

Devon: mga lokoloko buddy ko to noh wag niyo ng bigyan ng malisya kayo talaga (tumatawa at namumula sa hiya)
Ivan: its fine with me(bulong nito sa dalaga)
Devon: ganun! (sabay hampas dito na napalakas yata dhil bigla itong namula)
Ivan: di ka parin nagbabago ang lakas mo pa rin (cute nitong sabi na pinisil ang ilong)sigawan ulit ang mga kaibigan nam ikinalilingon ng ibang estudyante at nkikisigaw din
Devon: what brought  you here ( tanong nito habang palapit sa pwesto kung saan naroon ang mga kaibigan)
Ivan: dumaan lang ..di na kasi tayo nagkita mula ng makauwi ka sa inyo eh..
Devon: dumaan ? bakit saan kaba galing?
Ivan: sa Airport hinatid si James(walang kamalay malay )
Ivan: what do you mean?(nakalimutan ang pagpapanggap na may amnesya)
Fretz: bessy you remember james na?!(naexcite )
Devon: yyes(umamin na lang dahil buko na siya)
Fretz: oh i'm so happy for you (sabay yakap sa kaibigan at yakapan blues na ang lahat di pinansin si Ivan na masayang nakatingin sa kanila..)

matamang tinitingnan ni Ivan si devon somethings change..sabi nito sa sarili..not just the way  she dress but there's something in her eyes that really change..but whatever it is he's now happy to see Devon moving ang giggling along with her friends..good friends ..he's happy with Devon having great friends ..he saw everything when the accident happend they were all frantic and concerned about devon ..he must admit he envied Devon for having true friends and he promised himself that whatever it takes he will makes them his friends too..

Tuesday, October 19, 2010

CHAPTER 23

Mula sa kaniyang sasakyan di kalayuan sa kinaroroonan nina devon kitang kita ni James ang pag baba ng
 dalaga na ikinabigla niya ni hindi niya mapaniwalaan ang nakikita niyang pagbabago sa dalaga bakit mas lalo
 yata itong gumanda ngayon..nakita niya ang bawat pagngiti nito..biglang nahawakan ni James ang kaniya
 dibdib ng mapatingin ang dalaga sa kinaroroonan niya ..napapikit na lamang ang binata dahil mukang naghuhuramentado ang puso niya at di ito papapigil dahil sa tuwing nakikita niya ang dalaga ganun lagi ang nangyayari sa puso niyang suwail kahit anong bawal niya dito hindi ito nag-papapigil..pumunta siya doon para makita man lang ang dalaga bago siya umalis papuntang Australia para ayusin ang negosyo nila doon at may aayusin din siya kay Trish tumawag kasi ito sa kaniya noong isang araw...alam niya sa sarili niya na wala na siyang romantikong pagtingin kay Trish..ahh si Trish ang babaing akala niya na siya nang para sa kaniya..ang babaing akala niya may hawak sa puso niya at di na muling magmamahal dahil para dito lamang ang kaniyang puso..pero nagkamali siya..minahal niya ang dalaga pero di pala ito ganun katindi ..nsaktan lamang ang pride niya dahil sa pagkakaroon nito ng ibang lalki sa buhay kahit na sila pakaya siya nagkaganun at nasanay lamang siya sa presensya nito..pero ngayon masaya na siya para rito ...nabigla man siya sa pagtawag nito pero mas nabigla ito ng makausap siya ng matino..aayusin nila yung mga bagay bagay tungkol sa kanila  para din makasal na ito sa lalaking nakilala nito...akalain mo yun akala nila nung una silang dalawa ang para sa isa't isa hindi pala..nakahanap ito ng iba at masaya na ito at siya nagmamahal na talaga yun nga lang sa babaing di pedeng maging kaniya dahil sa pinsan na niya ito..pero malay mo sa susunod na pagkikita nila available na ulit ito ..di niya alam pero umaasam talaga ang puso niya na sa tamang panahon pag nagtagpo sila ulit ng dalaga baka pwede na..baka di na siya ituring nito na kuya...bye baby for now bulong niya habang tinitingnan ang dalaga na nakikipag-usap sa mga kaibigan...promise i'll be back ...promise i won't hurt you again...promise i'll be man enough to tell you how i feels when that time comes...the right time..kung kelan di ko alam...at mabilis na pinaandar ang makina para makalayo dahil baka di niya mapigilan ang sarili bumaba siya at bigla na lang yakapin ang dalaga..at mapapahiya lang siya dahil di na siya nito kilala..bakas sa mukha nito ang kasiyahan at walang anumang pait na makikita sadyang wala na nga itong maalala...

Mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan papunta sa isang tao bago tuluyan umalis..samantala nabigla ang magkakaibigan sa mabilis na pagharurot nag isang sasakyan..napalingon ulit si Devon sa umalis na sasakyan biglang pumintig ng mabilis ang kaniyang dibdib  parang nakita na niya ang sasakyan na yun..at napasinghap siya ng maalala kung kanino yun..alam niya sigurado siya..kay James yun..yun ang sasakyan na nagpaligo ng putik sa kaniya at yun din ang sasakayan na binawasan niya ng hangin dala ng inis dito..pero ano ang ginagawa nun dito?tanong ni devon sa sarili..bakit nga ba ito naroon?miss na niya ang binata..miss na niya ang kulitan nila..gusto niya ulit itong makasama ..gusto niyang sabihin dito na hindi na siya galit dito ..at gagawin niya ang lahat para magustuhan nito balang araw..siguro sa araw na yun limot na nito ang babaing nanakit dito kung sino man siya galit siya ditodahil naging mesirable ang buhay nito pero nagpapasalamat siya sa babaing nanakit sa binata kasi may chance na siya para sa pagtingin ng binata..balang araw titingnan din siya ni James bilang babae hindi bilang nakababatang kapatid....

Monday, October 18, 2010

CHAPTER 22

Unang araw ng klase sa 2nd sem . first time ni Devon na makakabonding ulit ang mga kaibigan dahil mula ng makalabas siya ng ospital pinakiusapan ang mga ito ng parents niya na kung pede daw ba kanila na muna si Devon para din makapagpahinga ito ng maayos hanggang sa bumalik ang dating sigla ng katawan..kahit si Devon gusto niya rin yun lalo na nung mga panahon na ramdam pa niya ang pagkadurog ng puso..ayaw niyang makipag-usap din kahit kanino kahit kay fretz ayaw niyang malaman nit ang dahilan kung nang kung anong mga bakita na sigurado siyang itatanong sa kaniya ng matalik na kaibigan..pero ngayon magaan na ang loob niya hindi kelanman malalaman ng mga kaibigan ang totoong nangyari ng araw bago siya maaksidente..

Excited si Devon na makita ulit ang mga kaibigan ..sobra niyang namiss ang mga ito..di mapalis ang mga ngiti habang sakay ng sasakyan kasama ang kapatid niyang si Anne..nagvolunter itong ihatid si Devon sa school total daw along the way ang location ng photo shoot niya para sa isang mag. at napapailing ito sa nakikitang kasiyahan ng kapatid iba din kasi ang aura..nakabuti pa yata ang aksidente nito bulong ni Anne sa sarili...

pumara ang magarang sasakyan sa tapat ng barakda ni Devon na masayang nagkkwentuhan excited na rin silang makita si Devon miss na nila ang huli..halos walang may naka-pagsalita ng makita nila kung sino ang bumaba sa sasakyan naroong ikusot ang mga mata baka kasi namamalikamata lang sila..hindi nila alam kung ano ang magiging reaksyon sa nakita nila si Devon ba ito kasama ang ate niya ..ang ate niya na isang sikat na model at si Devon na babaing babae kahit ang ginawang pagngiti at pagkaway sa kanila ay babaing babae..hindi nila mapaniwalaan ang nakikita nilang pagbabago kay Devon kabaliktaran ito sa nakasanayan nilang Devon at sa kaibigan nilang Devon..nakita ni Devon ang reaksyon ng mga kaibigan at tila walang may gusto na lapitan siya..ang mga lokong toh sa isip ni Devon
Devon: guys ayaw niyo na ba talaga s'kin at di niyo manlang ako magawang lapitan(pilyang sabi nito na nakangit)
Fretz: besssssssssssssssssyyyyyyyyyyyyyyyy kaw ba yannnnnnnn?(tili nitong sambit kay Devon nng makabalik sa huwisyo)
Devon : sino pa nga ba (tumatawa na)
lapitan ang buong barkada yakapan at kung ano ano pa..nakalimutan nila na nandun ang ate ni Devon na masaya at nakangiting pinagmamasdan ang kapatid at ang mga kaibigan nito ..maraming beses na rin niyang nakita ito pero nio minsan di siya nagkaroon ng pagkakataon na ipakilala ng kapatid sa mga ito di niya alam kung bakit pero minsan nasasktan siya..pero naisip niya siguro dahil narin sa kaniya kung bakit ni minsan hndi ito ipinakilala ng kapatid.
Anne: excuse me Im Anne ate ni Devon( agaw pansin niya sa magkakaibigan na talagang kinalimutan ang presensya niya)
Devon: ayyyyy ate sorry..guys meet my ate na maganda top model yan(buong pagmamalaki na sambit ni Devon sa mga kaibigan na muntik ikaluha ni Anne di niya alam proud sa kaniya ang kapatid niya akala niya inis ito sa kaniya)
Isa-isang ipinakilala ni Devon ang mga kaibigan na tila di magkamayaw lalo na si Joe at Eslove wahhhhhhhhhh kinikilig ang boys sa kapatid ni Devon panu may malaki itong billboards na madalas daanan ng dalawa at maganda talaga ito sa personal nagsisiskuan pa ang dalawa ..di makapaniwala na ang modelong lagi nilang tinitingala nasa harapan na talaga nila pumupunta naman talaga si sa bahay nila Devon sa tuwing ininvite nito dahil gusto nilang makita ang ate nito pero di naman ito namamansin kadalasan kasi nasa ibang wing ng bahay nila Devon tumatambay si Anne pag nandun sila
Devon: ate diba si Fretz kilala mo naman siya eh..tukoy sa namulang kaibigan
Anne: yeah ofcourse of course... sabay beso kay fretz
Devon: si Kaira and shey ate (sadya niyang hinuli ang boys kasi alam niyang may crush ito sa ate niya noon pa madalas kasi ito magtanong ng kung ano ano sa kanya tungkol sa ate niya eh)
Anne: hi kaira..hi shey (sabay beso din sa dalawa na tila nahihiya yata sa kaniya)
Devon: ate ang gaganda ng friends ko noh(kunwari kinalimutan sina Joe at Eslove)
Anne: ofcourse baby they're indeed pretty( sang-ayon nito sa sinabi ng kapatid na ngtataka bakit di yata ipinapakilala yung dalawang boys at napangiti ng makita ang kapilyahan sa mata ng kapatid)
Eslove: baby Devs friends mo rin naman kami ..ba't di mo kami pinakilala sa Ate mo(bulong na himutok nito kay Devon na napabunghalit ng tawa)
Devon: ay oo nga pala ate kaibigan ko daw sila bulong nito (sabay turo eslove)(laughing)ate  si Joe nga pala at si Eslove may crush sa'yo ang mga yan (tumatawa na sambit nito)
Anne: hi Joe and Eslove..totoo crush niyo ako?(nakangiti nitong tanong sa dalawa na tila naputulan ng dila di makapagsalita dahil sa hiya at excitement)
Devon: hoy tanong kayo ng ate ko(sinigawan ng pabiro ang dalawa)(laughing)
Eslove& Joe: oopo(nauutal na amin ng dalawa)
Devon : wahhhh nauutal sa ate ko
Anne: panu yan guys alis na ako may lakad pa kasi ako eh sabay halik sa kapatid at nagthank you sa dalawang nasa alapaap yata
Devon: sige ate bye salamat sa paghatid..ingat ka ate i love you(masayang sabi ni devon sabay halik at yakap sa ate)
Anne: i will baby and I love you more (sabay yakap at halik sa kapatid..masaya talaga siya na malapit na ulit sila ng kapatid at naririnig na niya rito na mahal siya nito)

sumakay na sa sasakyan si Anne at naiwan si Devon at ang mga kaibigan nito na masayang nag-yakapan ulit..walang may nakapnsin sa isang lalaki na laman ng isang sasakyan di gaanong malayo sa kanila na matiim na tumititig kay Devon..kanina pa ito nandun at kitang kita nito ang bawat pangyayaring naganap..so she's really ok now...bulong nito sa sarili...lalong gumanda at pumino ng kunti ang kilos..di  niya maipaliwanag ang nararamdaman sa pagkakita ng ngiti ng dalaga..
CHAPTER 21

Mula ng malaman ni Devon sa kuya niya na dinalaw siya ni James nung nasa ospital siya at isa rin ito sa nagdonate ng dugo sa kaniya kaya hanggang ngayon humihinga pa siya nagkaroon siya ng pag-asa na balang araw magugustuhan din siya nito kelangan niya lang maging dalaga muna sa sa bawat aspeto ng buhay niya... sisguraduhin niya na magugustuhan din siya nito di  man ngayon pero alam niya darating din yun..yun ang tumatakbo sa isip ni devon habang nagshopping sila ng ate Anne niya...OO magkasama sila ng ate Anne niya ngayon..mula nang makalabas siya ng ospital naging ok na silang magkapatid di niya alam kung siya ang naging mabait o ang ate niya basta bigla na lang niya inaya ang kapatid na magshopping ng bagong damit at nagpaturo din siya rito kung panu gumamit ng tamang make-up para sa skin-tone niya na ikinabigla nito ngunit ikinasiya na kahit hindi siya free sa araw na yun ay agad na sinamahan ang kapatid dahil chance na nito para makabawi sa kapatid yun ang nasa isip ni Anne..masayang masaya ang magkapatid panu etoh ang first bonding moment nilang dalawa buhat ng magdalaga si Devon dahil kahit anong yakag niya dati di ito sumasama sa kaniya at kung ano anong rason o palusot ang ibinibiugay sa kaniya di lang ito makasama minsan sumasama ang loob niya sa kapatid dahil kung si Bret ang magyayaya dito oo agad ang sagot nito..alam naman niya na ayaw lang nito sa mga lakad niya kaartehan daw lang puro walang thrill sabi nito sa kaniya na ikinaiirita niya pero now ibang-iba ang kapatid niya..para itong nananaginip lageh habang sinusukat bawat isa ang damit na napipili nito at infairness magaling at maganda ang taste ni devon sa pananamit pede itong model sabi nito sa isip habang masayang tintingnan ang kapatid na pose ng pose sa bawat damit na sinusukat..sana lageh silang ganito bulong nito sa sarili..sobrang mahal niya ang kapatid at wala na siyang sasayangin na panahon mula ngayon ..susuportahan niya ito at lagi siyang magkakaroon ang panahon dito ..

Hindi na inisip ni Anne ang humabol sa location kung saan may pictorial sila alam niyang mahal niya ang trabaho niya kahit di pa niya kelangan ito dahil maganda naman ang negosyo ng pamilya pero mas mahal niya ang kapatid at  mas mahalaga sa kaniya ang makasama ang kapatid..

Naging masaya ang maghapon ng  magkapatid  hindi akalain ni Devon na masaya din palang kasama ang kapatid at cool din pala ito mataman niyang tinitingnan ang kapatid magkaharap silang kumakain na pinili niyang food chain gusto din niyang mapuntahan ng ate niya yung mga lugar na paborito niyang puntahan ya doon niya ito dinala..sarap na sarap ang ate niya na kumakain di mo aakalain na may diet itong sinusunod bilang model pero para sa kapatid gusto nitong ipakita na kaya niya rin ang mga bagay na  gusto nito..
Devon: ate baka tumaba ka wala ng kumuha sa'yo..dahan dahan sa pagkain(tumatawa na tukso nito)
Anne: don't worry baby sila ang mawawalan pag ako pinakawalan nila( tumatawa na sgot nito sa kapatid)

nakikita nito sa mga mata ng kapatid ang kakaibang glow at masayang masaya ito ..ni minsan di niya ito nakita na ngumiti at tumawa sa kaniya o talagang wala lang silang magandang moments maliban nung mga bata pa sila at ito ay di pa gaanong nakakapaglakad..hanggang mag elementary pero nung magsimula ng magdalagita si Devon at siya nagcommercial model bigla na lang nabago ang lahat naging busy siya at kadalasan ng pagkikita nila ay lagi niya itong pinupuna sa magaslaw na kilos at sa klase ng pananamit pero nakita niya knina nung namimili sila ng damit ang feminine side nito at sa totoo lang aminado siya na mas maganda ang kapatid kesa kanya kasi lutang ang ganda nito kahit simple lang ang isuot nito at knina nung nagfitting ito bigla siyang nainggit panu kasi kahit walang make-up ang ganda parin nito at bagay dito ang kahit na anong damit na isinukat nito kanina pero masaya siya para sa kapatid ...

habang si Devon masayang masaya kasi kasama niya ang ate niya hindi pala maarte ang ate niya..gusto niyang gumanda gaya ng ate niya lahat yata ng madaanan nila mababae o lalaki lumilingon sa  kanila proud na turan ni devon sa sarili...basta gaganda siya gaya ng ate niya inosente nitong samabit sa sarili..