Monday, February 14, 2011

ONE TRUE LOVE ( FINALE)

Gusto ni James na sa Pad niya sila magpractice ni Devon, at gusto rin ni Devon yun bakit? dahil gusto niya mabawi si James..ready na siyang makinig dito kung mag-eexplain ito.. pero kahit hindi basta sabihin lang nito na mahal parin siya ni James di siya magdadalawang isip na magcommit dito..kaya walang madaming diskusyunan tungkol sa kung saan, dahil kahit ang oras sumang-ayon din kaagad ang dalaga..di alam ni James kung maiinis o matutuwa, bakit kasi parang ang dali dali nitong sumang-ayon sa lahat ng nais niya at parang balewala dito na magkakasama sila samantalang siya ay kinakabahan...

1st session

4:00 pm.. excited na nagbihis si Devon..panu ito ang unang araw na pababalikin niya si James sa kaniya, simpleng maluwang na white blouse,blue short shortpants and string flat sandals,alam niyang simple lang suot niya pero yun ang ayos na ikinalilingon ng mga kalalakihan nakakasalubong niya at nilugay lang niya buhok niya..sumakay na siya sa sports car na regalo ng parents niya nung mag-graduate siya..1st time niya itong magagamit..at binaybay ang daan na ibinigay ni James papunta sa pad nito..malapit lang naman sa kanila..


Habang si James ay kagabi pa di mapakali kung anong posibleng  pag usapan nila..kahit practice naman ang sadya ni Devon sa araw na ito..mula umaga pang-limang beses na rin siyang naligo at nagtooth brush to make sure na fresh at mabango siya sa pag dating ng dalaga..haizz at nagpaturo din siya sa pagluto ng pasta..gusto niyang magpapogi points.. he must admit he really wants her back so badly..at ilang beses na rin siya nagpalit.. pati pag-upo pinractice niya din at ang gagawin pag-bati dito..naisip niya nung una niya itong makita mula ng dumating ito galing sa kung saang lupalop gusto niya ito salubungin ng yakap pero di niya nagawa..sobrang nmiss niya talaga ito..di niya nagawa kasi napansin niya na may isang di kilalang lalaki na kasabay nitong dumating..at nagselos talaga siya ng sobra sobra na gusto niyang suntukin ang lalaking yun..napailing ang binata ..basta Devon is mine sorry Samuel she's mine..saad nito sa sarili ng biglang tumunog ang doorbell..napapitlag at muntik mapasigaw si James ..biglang nagrigudon ang dibdib niya sa kaba.. parang nanuyo din ang lalamunan niya.. pinractice ang seryong mukha at ang smile saka binuksan ang pintuan pero nanalamin muna para masiguro na ok naman hitsura niya..pagkabukas ng pintuan hindi makapagsalita ang binata ang kagabing linya na pinpraktis niya eh di na niya nagamit.. natawa ang dalaga sa reaksyon ng binata

Devon: hi..(ngumiti ng matamis at nagbeso sabay na hinawakan ang baba ni James na nakanganga para maisara sabay sabing) baka mapasukan ka ng hangin maging ganyan ka na lang forever(at tumawa ng pilya) wow ganda naman ng place mo..(bakas ang paghanga sa nakita at pumasok sa loob ng bahay kahit di sinsabi ni James at animoy welcome na welcome)
Hindi mapaniwalaan ni James bakit parang normal lang ang lahat kay Devon, naiinis siya kasi obviously apektadong apektado pa rin siya sa dalaga samantalang ito parang wala lang..and sobrang ganda nito that he wanted to kiss her again)
James: thank you(yun lang ang nasabi niya..naasiwa ba o kinakabahan di alam ang nararamdaman ng binata sa mga oras na yun)
Devon: hmm ikaw lang mag-isa dito?(pilit na nagbubukas ng usapan at akala mo di kinkabahan..pero ang totoo nanghihina siya sa presenya nito at sa kaalamang walang ibang tao dun kundi sila lang dalawa)
James: yeah..may room service lang na naglilinis dito at kumukuha ng mga labahang damit..ano gusto mong inumin(kinakabahang sagot at offer nito sa dalaga at patuloy lang na tinititigan ito..at bago kung ano pa magawa niya pumunta siya sa kitchen para kumuha ng kung anong maeoffer niya dito,lol tumawag siya sa mom niya na padalhan siya ng masasarap na pagkain at dinala yun kanina ng maid nila sa mansyon)
Devon: oh its ok..busog pa ako..ganda ng place mo ha..(sabay tingin sa gawi ng binata na biglang napapitlag dahil naabutan niyang nakatingin sa kaniya ehehe at natawa na naman ang dalaga pero this time sinarili na lang niya)
James: hmm ok..start na tayo?(sabi na lang nito eheheh tense talaga)
Devon: sure,may lakad ka?mukang nagmamadali ka eh(ngumiti ng matamis na nagpapakaba sa binata lalo)
James: no baka lang kasi gabihin ka eh(damn why does she smile like that..inis dahil sa tuwing ngumingiti ang dalaga nawawala sa pwesto ang puso niya)

iginiya ng binata sa music room niya ang dalaga..malaki talaga ang lugar na yun specially para sa kaniya na nag-iisa lang..isa iyong bachelor's pad pag-aari ng pamilya nito ang building na yun at hiningi niya ang last floor para sa kaniya kung sakaling di siya makaka-uwi sa kanila mas malapit kasi ito sa Company nila at siya rin naman ang nag-mamanage ng building na yun..mangha talaga si devon sa ganda ng lugar at sa kakisigan ng binata..

Ng-umpisa ng tumugtog ang binata..magaling din pala itong magpiano bulong ni Devon sa sarili..hindi paman sila nag-uumpisa kumanta ng biglang tumunog ang phone ni Devon..si Samuel yun tinatanong yung sched ng next meeting nila kung meron na ba siya..ang sagot lang ng dalaga ay  oo..kaya si James ay kung ano ano na ang iniisip, kinakain na ng selos ang binata..para hindi mapakinggan at di maasiwa si Devon sa pakikipag-usap dito eh lumabas na muna ito..

Matapos ni Devon makausap si Samuel nilibot niya muna ang sarili sa loob  ng room na yun habang di pa bumabalik ang binata..natawa siya kanina kasi kita niya ang selos na rumehistro sa mukha ni James ng malaman nito kung sino ang kausap niya..nadako si Devon sa bintana..umuulan pala bulong ni Devon..at madilim na rin sa labas..ang bilis talaga ng oras ..bigla siyang naupo dun sa may bintana at minasdan ang pagpatak ng ulan..nagbalik sa alala niya ang nakaraan, ang isang magandang alala niya kay James their first kiss..her first kiss..at napapikit ang dalaga its as if nagbalik siya dun and James is kissing her..year had passed pero di pa rin niya makalimutan ang halik na yun ..di niya makalimutan ang binata..alam niya na nagkamali siya for not having an explanation from him..nasa malalim si Devon na pag-iisip at pagbabalik tanaw ya di na niya namalayan ang pagbalik ni James..kitang kita nito ang iba't ibang expression na rumehistro sa kniyang mukha ..gustong magwala ni James..has she been in Samuel's bed?bulong nito sa sarili na kuyom ang kamao..he doesn't like the idea na pumasok  sa utak niya pagakakita sa mukha ng dalaga na tila na nangangarap ng isang  magandang pangyayari kasama ang lalaking minamahal..at mas masakit kasi alam niya na hindi na siya ang lalaking yun..ano lang ba kasi ang pinagsamahan nila..bumalik ang galit sa dibdib niya para sa babaing naging dahilan kung bakit ganito sila ngayon ni Devon..ng biglang kumidlat at kitang kita niya ang ang kabuoan ng dalaga ,nahigit niya ang kaniyang hininga..she's even more sexier and a grown up woman in a real essence..lalo itong gumanda pagkatapos ng limang taon ang laki ng pinagbago nito..hindi lang yung pananalita kundi pati mismo ang galaw at kilos nito na puno na ng kompyansa at tila walang negatibong elemento ang pumapasok sa pananaw nito kaya lagi itong masaya..muli nahigit nito ang hininga at napapitlag  ng lumingon ang dalaga sa kaniya at ngumiti na naman ito ng matamis nagpawala na naman sa pwesto ng kaniyang puso..

Devon: andyan ka na pala ba't di ka manlang nagasalita(malambing na saad ng dalaga, pilit binabalewala ang ang nararamdamang sensasyon dahil sa pagkakatitig sa kaniya ni James)
James: hmmm malalim kasi iniisip mo(kabadong saad nito, pilit gingawang natural ang boses)
Devon: ah, yun..wala lang yun..(at nginitian na naman si James ng signature sweet smile nito,hindi nalang tumingin si james dahil sa tuwing nakikita niya ang ngiti ng dalaga,gusto niya itong lapitan na lang bigla para yakapin at sabihing miss niya ito ng sobra)
James: okey..start na tayo..(at nauna ng pumunta kung saan naroon ang piano)
Ang hindi nito inasahan dahil ng sumunod sa kaniya si Devon, umupo ito sa tabi niya, na nagpapitlag kay James dahil bigla siyang nakaramdam ng kuryente sa pagkakadikit nilang yun..at nasamyo niya ang mahinhing at nataural na pabango nito..hindi na nito malaman kung panu gamitin ang piano dahil sa kaba na bigla na namang nagparamdam sa kaniya sa pagkakadikit nilang yun..habang si Devon ay sinasadya ang lahat, she's having a crucial moves ..and she knew it..she has to do it, if that would be the way she could have him back..hindi na nakatiis si James biglang tumayo..

James: lets finish our session early tonight, i still have to go somewhere..sorry..(kinakabahang saad nito, at hinging paumanhin din)
Nabigla si devon di niya inasahan na bigla siyang papauwiin ng binata kahit di pa man sila nag sisimula at isa pa ito yung nagbigay ng oras nila..namamali lang ba siya sa mga napansin niya kanina na may epekto pa rin siya sa binata buong pagtatakang tanong nito sa sarili, pero para hindi mahalata sumige na lang siya dito..)
James: so lets have our next practice tomorrow  same time?(muntik niyang sapakin yung sarili niya sa tanong pagkatapos niya ito biglang pauwiin eh papabalikin din bukas..duwag ka kasi eh galit na sita nito sa sarili)
Devon: oh, I can't Samuel and I planned to do something tomorrow and I don't think I can come with the said time you wanted(pang-iinis na sagot ng dalaga)
Na kinainis naman talaga ng binata, gusto niyang ipagpilitan dito pero papayag nga ba ito...di paman ito nakakapag-umpisa ng idadahilan ng biglang nagsalita ang dalaga..

Devon: maybe if you don't have plans after 7 tomorrow  I'll come for our next session, we haven't done anything today..(cool na saad ng dalaga pero sa totoo lang naiinis ba't kasi parang ilang ito sa kaniya, mabango naman siya at sinigurado niya yun noh..)
James: sure just come anytime tomorrow i'll wait for you(nabigla si Devon sa swabeng linya ni James pero mas ang binata..di niya alam kung saan niya hinugot ang ganung lakas ng loob pero ganun  pa man cool yun bulong nito sa sarili na napapangisi at nakita yun ng dalaga..pero binalewala naman.)


Lumabas ang dalaga na puno ng agam-agam tungkol sa mga naganap sa araw na yun..habang si James ay sapo ang dibdib dahil kanina pa ito hindi makahinga at bumabalik sa kaniya ang nakita niya kanina na kabuoan ng dalaga nung kumidlat at maaninag niya ang hubog ng katawan nito na nakatago sa puting saplot..at ang pabango nito na kahit anong gawin niya nakadikit na yata sa sistema niya..bigalang napashower ulit ang binata dahil sa ibang init na dumaloy kanina pa..kaya niya tinapos ang session nila hindi paman sila nagsisimula dahil di na niya kaya ang sensasyong bumabalot sa kaniya at baka kung ano pa magawa niya sa dalaga..matagal tagal din si James sa shower bago ito lumabas, nagpalit ng boxer short at natulog....


2nd Session

7:30 na nakarating ang dalaga sa pad ni James, this time nakabestida ang dalaga na blue simple pero mas nagpatinkad sa kulay at sa ganda ng dalaga..nahigit na naman ni James ang hininga niya pagka kita niya sa dalaga na kasunod ng isang magandang dalaga na nagbukas ng pintuan..Di alam ni Devon kung ano ang mararamdaman  pagkakita sa nagbukas ng pintuan ang nakaready niyang smile para sa binata ay iba ang nakasalo, isang magandang dalaga na kaedad niya yata at mestisahin nakapabambahay lang ito..ibig bang sabihin dun ito natulog kagabi ya siya pinauwi kaagad ng binata dahil pupunta ito(nagngingitngit ang loob ng dalaga pero wala siyang magagawa, ganito pala gusto mong laro ha sige James pagbibigyan kita.. naisahan mo ako now, bukas hindi na saad ng dalaga sa sarili wala itong kaalam alam na sinadya ni James na dalhin dun ang pinsan niya at dun na muna ito para maiwasan niya ang dapat niyang maiwasan..hindi ito takot sa dalaga actually gustong-gusto niya na naroon ito pero natatakot siya sa sarili niya baka di niya makontrol at magawa na talaga niya ang mga gusto niyang gawin dito..lalo na ngayon na mas kaaya aya itong tingnan ..di niya alam pero kahit nakaupo lang ito at walang mababanaag na kahit ano sa mukha eh kaakit akit pa rin ito, isang temptasyon na alam niya na di niya kayang tanggihan kaya tama lang na dun na muna niya pinatulog ngayong gabi ang paborito niyang pinsan mula pa sa Australia, kadarating lang nito kaninang umaga at umungot siya dito na mag-stay sa kaniya ng isang gabi lang bukas na lang ito uuwi sa bahay nila  ..walang kamalay malay na ibang  apoy ang sinilaban niya sa dalaga..at sobrang selos ito..natapos kaagad ang praktis nila, at nakapagpraktis naman sila kahit paano..pero ng mga oras na-nagpapraktis sila parehong nasa kalawakan ang isip ng dalawa, si james sa dalagang bakit sobrang ganda kahit anong isuot at kahit di ngumingiti eh maganda  talaga,si Devon ay nasa babae na nasa loob ng isang kwarto..di niya alam kung yun mismo ang kwarto ni James dahil pagkatapos siya nitong buksan kanina pumasok na ito sa loob ng kwarto at hindi na lumabas..inaya siya ng binata na kumain na muna dun, pero tinanggihan niya ito..di man niya sadya nagseselos talaga siya at ayaw niyang mawitness ang sweetness na magaganap sa dalawa habang kumakain sila


Nakaalis na si Devon ng lumabas ang pinsan ni James at naabutan siyang malungkot na nakatayo pa rin sa may pintuan na tila nanghihinayang dahil umalis kaagad ang dalaga..
Demi: oh hi couz, why are you standing there and where isa your girl?and OMG she's really pretty..(kinikilig na saad nito)
James: she's gone(matipid na sagot nito, tila ayaw pag-usapan)
Demi: what?!what about the food we've prepared earlier?(napapantastikuhang sagot nito)
James: put it in the trash(walang ganang saad nito)
Demi: hmm..you two are not ok, am I right?
Tiningnan lang ni James ang pinsan..ang lakas talaga ng pang-amoy nito
Demi: well..i can listen..c'mon couz you have to do something, she sure loves you, what i saw in her eyes when she arrived tells everything...
Biglang napaangat si James at tinitigan ang pinsan ng mabuti kung niloloko ba siya nito,pilya din kasi ito..at nakita niya na seryoso ito..hindi na kinailangan magkwento ni James basa na siya ng pinsan,though di nito alam ang detalye pero alam nito na may something sa kanila ni Devon..Mahal pa nga ba siya ni Devon..tama kaya ang pinsan niya dun..gusto niyang subukan,gusto niyang kunin ulit ang loob ng dalaga..pero panu..may Samuel na ito..

Habang si Devon ay malalim pa rin ang tinatakbo ng isip nasa kwarto na niya ito..kung sino nga ba ang babaing yun sa buhay ni James..makukuha niya pa kaya si James gayong may babae na itong pinatulog sa kama niya..her fault kung bakit may iba na si James..bulong ng dalaga sa sarili..No!wala kang kasalanan Devon..siya ang nanakit sayo kaya ka nagdesisyon na umalis ng di manlang kayo nagkakausap..bulong ng isang bahagi ng utak ni Devon..Mali ka kasi di mo siya binigyan ng chance ..ni hindi mo nga hinayaan na magkausap kayo kahit nakita mo sa bintana na naroon siya at hinihintay ka sagot ng isang bahagi ng utak niya..Sinaktan ka niya nakita mo mismo diba..doon lang naramdaman ni Devon ang sakit ng nakalipas..sobrang sakit..di na nagpapapigil pa ang luha niya na tumulo..para na itong falls na umagos ng tuloy tuloy..ramdam niya ang sakit na di niya gaanong dinamdam 5 years ago..at ito ang unang beses na umiyak siya..iniyakan niya ang tagpong nakita bago siya nagpasyang tanggapin ang invitation ng WYO..at iniyakan niya din ang posibilidad na maaaring di na nga niya makukuhang muli ang pag-ibig ng lalaking siyang nagpapatibok ng puso niya noon at kahit magpahanggang ngayon..patuloy na umiyak ang dalaga..hanggang sa magpasya itong lumabas ng kwarto at lumangoy ng lumangoy sa pool..parang may competition na paroot parito ang paglangoy..

Nabigla si Drake ng makita niya ang kapatid na lumabas sa kwarto nito patungong pool..at mas nabigla siya kasi parang wala itong nakita..tinawag niya ito parang wala itong narinig..sinundan niya ito..parang piniga ang puso niya sa nasaksihan..hindi ito ang unang beses na nakita niya na ganun ang ginagawa ng kapatid..pero mas matindi ang ngayon..pero bakit? ano ang nangyari? ano ang dahilan?o sino ang dahilan?biglang umigting ang panga ni Drake at kumuyom ang mga kamao..the last thing na gugustuhin niya ay ang may manakit sa kapatid at ang masaktan ito..kung sino ka man you will pay for this kuyom ang kamao na bulong nito sa sarili..naalala niya noon after nung post party nito naging ganito din ito..hnayaan niya ito noon na gawin ang ginagwa nito ngayon para mailabas nito ang tinitimping sakit na di nito masabi sabi sa kaniya..but this time hindi na pwede..hindi na tama kasi parang gusto nitong patayin sa pagod ang sarili sa paglangoy na di na niya mabilang ng kung ilang beses ng nagparoo't parito..tinanggal lang ni drake ang sapatos at medyas at mabilis na nagdive sa pool para yakapin ito at sabihin dito na makikinig siya..na kakampi siya..

Nabigla si Devon sa mahigpit na bisig na nagpatigil sa kanyang paglalangoy..tiningala niya ito..isang mas mahigpit na yakap pa ang ginawa ni Drake sabay bulong
Drake: kuya is here baby(hinalikan siya sa noo..pagkatapos)
Bigalang napahagulgol ang dalaga ramdam niya ang concern ng kapatid..ramdam niya ang pagmamahal ng kapatid..ang kuya niya..ang nag-iisang kuya niya..ang pinakamamahal na kuya niya..,mas napahagulgol ng todo ang dalaga dahil narealize niya na naging selfish siya...kahit sa kuya niya ay di siya nagpaliwanag..ang dami niyang inilihim sa kapatid..patuloy ang pag-iyak ng dalaga at halo halo na ang iniisip nito....at dahil din sa pagod at mabigat na dinadala emotionally nawalan ito ng malay buti nalang at naroon si Drake at mabilis itong nasaklolohan..mabilis itong iniahon kaagad  sa pool at mabilis na dinala sa kwarto..alam niyang pagod lang ito ya nawalan ng malay pero pinatwag pa rin niya ang family doctor para matingnan ito..at masigurong ok ang kapatid


Nagising si Devon mag-uumaga na at nabigla siya ng makita ang kapatid na natutulog sa sofa ng kwarto niya..ipinikit muli ni Devon ang kaniyang mga mata para maalala kung anong nangyari at kung  bakit nasa kwarto niya ang kapatid at doon natulog..nasa pool siya ng biglang magdilim ang kaniyang paningin buti nalang may malakas na mga bisig na mabilis na nakaalalay sa kaniya kaya di siya tuluyan bumagsak sa tubig..agad siyang dumilat at tiningnan ang natutulog na kapatid..nahihiya siya sa kapatid niya kasi nakita siya nito sa ganung sitwasyon..unti unting bumalik ang mga pangyayari kung bakit siya nagkaganun at di niya namalayan pumatak na naman ang mga luha niya sa mata..at bago pa siya tuluyang mapahikbi ipinilig na niya ang kaniyang ulo bakasakali mawala ang alaalang yun at kasabay na maglaho yung sakit na nararamdaman niya ngayon..pagmulat niya ulit ng mata mukha ng kapatid ang nakita niya..nakangiti ito sa kaniya..

Drake: ba't mo hinayaang saktan mo ang sarli mo?(pilyong tanong nito)
Devon: what!?(di maintindihan ang kapatid at naupo sa kama)
Drake: don't be too hard on yourself baby, the man is still inlove with you..
Devon: ano bang pinagsasabi mo(pilit inilalalyo ang tingin sa kapatid)
Drake: hmmm five years ago..umiiyak at humahagulgol si James sa akin after he finds out na nakaalis kana..sinabi niya lahat sa akin..mula pa noon sinasabi na niya sa akin ang feelings niya sa yo at magpahanggang ngayon..walang araw na nagkikita kami na di ka namin napapag-usapan..ni wala siyang dinate kahit madami ang umaaligid sa kaniya..kasi sobrang malalim ang feelings niya sayo..enough para di siya tumingin sa iba at hintayin kang magbalik para kausapin ka at mag paliwanag sayo..di mo kasi siya binigyan nun ng pagkakataon..pero ng magbalik ka naman may bitbit kang gwapong binata at ang kawawa kung kaibigan ay nalasing na naman dahil sa selos at dahil sa takot baka di na nga kayo pede..at kagabi nakita kita narinig kita na nagsasalita kahit tulog ka sinasabi mong mahal mo siya..(saka ngumiti ng pilyo)
Devon: kuya..(namula)
Drake: narinig din ng family doctor(pilyong ngumiti ulit)kaya please wag mo bigyan ng reason si James na panghinaan ng loob..
Devon: pero may kasama siyang babae sa pad niya eh..
Drake: kaya ka nagpakapagod lumangoy ng lumangoy?ni hindi mo kasi hinayaan maipakilala sayo yung pinsan niya umalis ka kaagad kasi..(pilyong ngumiti )(tulog na si Devon nang tumawag si James sa kaniya at nagcoconfide na naman na di man lang siya binigyan ng chance na maipakilala ang pinsan kay Devon agad kasi itong umalis mukang may date ..base sa tono nito selos na selos..)
Devon: di ko alam eh..
Drake: ikaw kasi mahal mo yung tao, ba't ka ba kasi nagbitbit ng binata?
Devon: wala naman akong intensyon na ganun kuya, di ko alam na nandun kayo..pero nagseselos siya kay Samuel.?
Drake: yes..and please kung mahal mo siya wag mo siya bigyan ng dahilan na mag-alangan ..tama na yung five years na paghihirap ok..i love you both ..and if you really love him..listen to him....

Maaga palang kinukulit na ni Devon si Samuel na sunduin siya nito kina James after ng session nito...
Samuel: alam mo ba yung hinihiling mo?masasapak ako niyan eh..
Devon: please naman Samuel..nagseselos daw siya sayo sabi ni kuya eh.
Samuel: what?!(at natawa tama ba yung naririnig niya ang team leader lagi na si Devon nag-aasal immature..inlove siya dito pero noon pa man sinabihan na siya nito na bestfriend lang sila dahil may James na ito sa puso,at sapat ang nararamdaman niya para dito para respetuhin ito at hayaan maging masaya sa kung sino man ang mahal nito)
Devon: please Samuelitoy pagbigyan mo na ako..(ungot parin ng dalaga)
Samuel: hmmm what time ba?(napapailing nalang ito kasi di niya kaya iresist ito)
Masayang masaya ang dalaga panu..nakuha niya ang gusto niya..hmmm pinaiyak mo ko na Jaime ka pwes magselos ka muna saka na yung happy ending natin ..bulong ng dalaga sa sarili matapos mababa ang telepono

3rd Session

Hindi inasahan ni James ang pagdating ni Devon..kung kelan kasi di siya handa saka naman ito kung makangiti parang tutunawin siya..bulong nito sa sarili..sinundan niya  lang ito ng tingin..
Devon: hmmm komportable ka ba na walang shirt na suot sa harap ko (saad nito na humarap sa binta)
damn damn bulong ni James sa sarili nakalimutan niya magsuot ng shirt..parang naihi na iwan
James: oh sorry(agad na lumayo sa dalaga at tinungo ang kwarto para kumuha ng maisusuot..at pinagagalitan ang sarili..panu lagi siyang nawawala sa katinuan pag kaharap ang dalaga..ganun ba talaga kalakas ang epekto ng dalaga sa kaniya..ahhhhhhhhhhhhhhhh sigaw nito sa isip)
habang si Devon ay natatawa ..handa na siya sa ..handa na siyang pagselosin ito hanggang sa di ito makatiis at gumawa ng move para kunin ulit siya..(pilyang napangiti dahil sa naisip)

Magandang ngiti ni Devon ang binalikan ni James sa sala na nagpawala na naman sa pwesto ng puso niya..but its now or never..bulong nito sa sarili..he has to win her back..kaya ngumiti rin ng pagkatamis tamis na siyang nagpalukso sa puso ng dalaga na kanina pa di makaisip kung panu nga ba niya pababalakin ang binata maliban sa pagselosin ito..

James: sorry natagalan ako..(boyish smile)
Devon: its ok..I guess kelangan kong masanay sa pad mo..(pilyang napangiti dahil nakita niya na parang sumnghap ang binata..
napangiti lang ang binata..d i niya kasi alam kung pinaparinggan ba siya ng dalaga o medyo sira lang ang pandinig niya..
James: so you like my place(nanantyang tanong nito)
Devon: who would not be(walang kaabog abog na sagot nito..patay malisya kunyari)
James: really?(pilyong tanong nito)
Devon..yeah(waaaahhh game sa ganun si Devz)
biglang napipi si James di niya alam kung ano ang isasagot sa yeah ni Devon..
Devon: hmmm start na tayo(saad ng dalaga sabay tayo patungo sa music room ng binta at nangingiti kasi sapol na namn si James)
agad naman sumunod ang binata sa dalaga..
James: ano ang sisimulan natin, ang pagtira mo dito(pilyong tanong nito habang nasa likuran ng dalaga)
Tumigil ang dalaga sa paglakad at hinarap siya...
Devon: wag mo akong biruin James..akalain ko na totoo..(sabay dahan dahan na lumapit dito)
Biglang napaatras ang binata,at napalunok..di niya inasahan ito..hindi siya handa sa ganito..oh please wag kang ganyan Devon...bulong nito sa sarili..dinig niya ang lakas ng tibok ng kanyang puso sa antisipasyong gagawin ni Devon..malapit na malapit na si devon sa kanya..halaos dikit na nga at ilang hibla nalang hahalikan na siya ng dalaga..di niya alam ang gagawin bigla nalang siyang napapikit pero walang labi na dumadampi sa kanya..naramdaman niya may kinuha ito sa may ulo niya..
Devon: ano ba pingagagawa mo kanina at may dumi ka sa buhok..(sabay pilyang ngumiti..boom huli ka ulit James)

Napamulat si James ng mata at kitang kita niya ang pilyang ngiti ng dalaga..dahil nahuli na siya napakamot na lang siya sa ulo at sabay sabing..
James: I thought you're going to kiss me(pabirong sabi nito pero hiniling nito na sana talaga hinalikan siya ng dalaga..pero di ganun ang dalaga..wish niya lang yun..na sana ginawa ng dalaga..napangiti sa sarili)
Devon: hmmm really...give me reasons why would I kiss you?(nanghahamong saad ng dalaga)
what?! bulong nito sa sarili..I told you James stop fishing di mo kaya si Devon..
James: oh well never mind..(boyish smile at napakamot sa batok..gusto niyang sabihin dito na mahal niya ito and siya lang ang tanging babae na gusto niyang makahalikan, pero dinadaga ang dibdib niya di niya kaya ..ahhh damn ba't ganun)

Natawa na lang si Devon pero deep inside dismayado..inaasahan niya kasi na magkakalakas ito ng loob na sabihin sa kaniya ang nasa loob nito na sinabi ng kuya niya..naging masaya ang practice ng dalawa..may ilang -factor pero gingawa ni Devon ang lahat para hindi mailang si James.naroon magkatitigan..magngitian..at minsan magkabungguan pero tawa lang ang katumbas ..masayang masaya si James..kung pede lang niya sabihin ngayon na ito parin ang babaing siyang nagmamay-ari sa puso niya..sinabi na niya..di niya alam kung ano ang pumipigil sa kanya ganung nasa kanya ang lahat ng pagkakataon ngayon..habang si devon hinihiling na sana naman magdamoves na ito..kahit biglaan tulad ng una itong magtapat sa kaniya..pero tila ayaw nitong pag-usapan ang nakaraan at hindi naman siya ganun kaagresibo maaring limang taon siyang nainirahan sa labas ng bansa at may mga bagay na nagbago sa kanya,pero ang mga kaugalian ng dalagang pilipina ay sinasapuso niya pa rin..natapos ang parctice ng dalawa na msayang masaya ang mga ito nakwento ni Devon ang mga karanasan niya sa bawat lugar na pinupuntahan nila..actually mas madami ang oras ng kwentuhan kesa practice..di naman talaga nila kelangan magpractice eh kasi alam nila pareho ang kanta..kunting ayos lang ok na pede na silang pakantahin..

Narinig ni James na kumalam ang sikmura ng dalaga ya agad niya itong inaya na kumain muna sila ang nakaktawa kasi hindi talaga siya handa now tulad ng nakraang mga araw ng session nila ..wala siyang maipapakain sa dalaga..di nito alam na sumunod pala sa kaniya sa kusina si Devon at natawa ito sa naabutan..si James nagbabalak magluto at bukas ang malaking ref di alam kung anong putahe ang lulutuin..
Devon: ba't di mo sinabi na kelangan mo ng tulong?(nakatawa nitong saad na nagpalingon sa binata..napakamot na lang ito kasi nakita na siya nito na walang maipapakain dito)
James: sorry..wala pala akong ready to eat na food..(sly smile)hmmm order nalang tayo?
Devon: no!..hindi practical..gagastos kapa madami naman pedeng lutuin dito na mabilis lang makain eh..hmmm let's see.. (tiningnan ang laman ng ref..nakita niya na madami ang laman nun..)nagluluto ka ba?
James: hmm recently(saad nito na nahihiya mabubuko pa yata siya ng dalaga na ng dahil dito nagpaturo siyang magluto)
Devon: really? anong niluluto mo? gusto mo ng pasta?(di  paman sumasagot si James kumuha na siya ng mga sangkap ng pasta.. saka nag mando kay James na hugasan ang mga ito)

Agad naman na sumunod ang binata sa bawat inutos ng dalaga..habang hinuhugasan ni James ang mga sangkap, nagpakulo na si Devon ng tubig..para sa pasta..mabilis kumilos ang dalaga,,halatang sanay sa kusina..isa ito sa naging training niya sa limang taon na pamamalagi sa mission trip kasama na ang pag-aral sa ibang bansa..walang katulong dun siya lahat ang gumagawa..maliban sa laundry..di mapaniwalaan ni James ang nakikita..sino ba ang mag-aakala na ang prinsesa ng mga Romualdez ay ganito kaexpert sa kusina..titig na titig ito sa dalaga..at muntikan nito mabitawan ang bowl na gagamitin na pinakuha ni Devon ng lumingon ang dalaga sa kaniya at natawa na lang ito sa nakitang reaksyon ng binata..at patay malisya nalang..mabilis na naluto ang seafood pasta ala Devon na ginamitan niya lang ng leftover prawns na nakita niya sa ref..ginisa niya ulit ang prawns para makuha yung lumang amoy at pinabango lang niya saka nilagay sa plate at dun sa pinaglutuan niya siya gumawa ng sauce,nilagyan ng tamatoe sauce,all purpose cream,hot chili sauce kunti at kunting grated cheese..

Natawa si Devon sa pagkain ni James sa pasta akala mo now lang nakakain at tila wala ng bukas..
Devon: dahan dahan ka naman..inom ka kaya muna ng tubig(natatawang putol nito sa pagkain ng binata)
James: ohw.. sorry its really delicious..that I can't get enough ..
Devon: bolero ang sabihin mo gutom ka lang kaya nagustuhan mo yung ginawa ko ..(nakangiti kasi kahit panu ok sila ni James..wala ng tensyon kahit pa parang ayaw nitong banggitin ang nakaraan masaya na siya saganito..saka na ang emosyon at nararamdaman nila..)
James: no i'm not..kahit minsan di kita binola ..
Devon: ah, ok..jowk lang naman yun kaw talaga(bawi nito baka kasi maiba yung masaya nilang atmosphere)

Masaya pang nagkwentuhan ang dalawa hanggang sa tumunog ang doorbell..nainis si James sa kung sino mang asungot na yun gusto niyang sapakin panu ba naman kasi istorbo ito sa masaya nilang pag-uusap ng dalaga..para lang mabuksan ang taong pinakaayaw niyang makita
Samuel: hi! si Devon?(tanong nito sa binata at aumatras ng kunti..baka kasi bigla siyang sapakin nito)
James: Devon, sinusundo kana(sigaw nito sa dalaga na di man lang nginitian at inayang pumasok sa bahay nito ang binata..)
Devon: what?!(tanging nasabi nito saka lumapit sa may pintuan kung saan naroon ang binata para makita kung sino ang naroon..muntik na niyang makalimutan na kinuntsaba nga pala niya sito para pagselosin si James..wala na siyang nagawa di naman niya pedeng pahiyain ito kasi siya ang umungot dito..kaya agad siyang nagpaalam kay James kinuha niya lang ang bag niya na nasa sala at pagbalik niya ganun pa rin ang posisyon ng dalawa ni hindi nagkwentuhan..bigla siya naguilty for Samuel kasi siya ang nagalagay dito sa alanganin at gusto niya mapasigaw sa tuwa kasi obviously nagseselos talaga si James..lalagpasan na niya sana ito ng bigla nitong hawakan ang kamay niya..tiningnan niya ito at nakatingin ito sa kanya begging her not to leave..pero di siya pedeng makuha sa tingin..gusto niya marinig mula dito..na sabihin wag siyang aalis..pag ginawa nito iyon di siya aalis..pero wala..mahigpit na hawak sa kamay niya at tingin lang ang ginawa ni James..malungkot na hinila ni Devon ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni James..at tila nanghihina na lumapit kay Samuel..gusto niyang hawakan siya ni James habang buhay pero gusto niya rin marinig mula dito ang kasiguruhan ..ayaw niyang mag-assume..kahit ayaw niya hilahin ang kamay niya mula dito kelangan niyang gawin..kahit ayaw niyang lisanin ang pad ni James kasi pakiramdam niya secure siya sa bahay na yun..kelangan niyang gawin hanggat di sinasabi ni James na dun siya..malungkot na umalis si devon habang si Samuel ay nakikiramdam lang sa babaing mahal pero kahit kelan hindi magiging kanya..bakit? kasi kahit anong gawin niya para dito isa lang siyang matalik na kaibigan..at masaya na siya na kahit papaano may ganun silang relasyon ..at nasasaktan siya para dito..ramdam niya kasi ang malakas na pwersa ng pag-ibig na nararamdaman ng dalawa sa bawat isa..at ang pumipigil sila din..

Habang si James parang gustong magwala..hindi siya makapaniwala kanina lang ang saya saya nila..magaan na ngkwento sa kaniya ang dalaga tungkol sa naganap nung nakalipas na limang taon sa buhay nito..halata sa bawat kwento nito ang saya ..pero bakit ganun..ang dali daling mapalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman niya sa dalaga..bakit laging may hadlang..biglang sinuntok ni James ang pintuan na hindi pa nito nasasarado..kasi di pa ito umaalis dun mula ngmakaalis ang dalaga..masakit man tingnan pero sinundan niya ng tanaw ang dalawa habng pasakay ng elevator at muntikan niyang daluhungin si Samuel ng makita niya itong humawak sa bewang ng dalaga para alalayan ito sa pagpasok sa elevator..galit siya sa sarili niya..damn you james..damn damn damn.patuloy na pagbogbog nito sa sa pintuan at dumudugo na ang kamao nito..at napaupo ito ng paluhod umiiyak sa sakit at sa kawalang pag-asa para muling makuha ang dalaga..nung hawakan niya ito kanina akala niya pipiliin ni Devon na magstay..pero mas pinili nitong sumama sa lalaking ayaw niyang makita..inisip niya na pag pinili ni Devon na magpa-iwan ibig sabihin mahal pa rin siya nito pero hindi ginawa yun ng dalaga..iba ang pinili nitong gawin..wala na ba talagang pag-asa makuha niya ang dating pinangako nito..napahagulgol ang binata di alam kung sa sakit na natamo dahil sa pagsuntok sa matgis na pintuan o sa sakit na nagpapamanhid sa pakiramdam niya..di na rin nito alam ang iisipin  ayaw na nitong mag-isip..

Hindi na kayang tiising ni Samuel ang nakikitang lungkot ni Devon..alam niyang sobra itong nasasaktan kasi kahit isang salita wala itong narinig mula kay James..five years is enough..bulong nito sa sarili saka iniliko pabalik ang sasakyan..
Devon: saan tayo pupunta ba't mo ibinalik?(puno ng pagtatakang saad nito walang ka-idea idea sa kung anong tumatakbo saisip ni Samuel)
Samuel: you gotta stop the play..the hurt..everything and please don't be too hard on him..he suffered enough..
Devon: ano bang pinagsasabi mo Samuel
Samuel: if he's not gonna tell you the words that you longed to hear from him..then you have to tell him the words he longed to hear from you..
Devon: mali yun Samuel, babae ako..ako dapat ang sinusuyo..naghihintay lang ako dapat
Samuel: No, walang mali sa pagsasabi ng totoong nararamdaman kung makakapagbigay naman ito ng linaw sa kung anong mga agam agam diyan sa puso mo..ni James..alam mo ba ang nararamdaman niya noong iniwan mo siya ng walang paalam..eh noong dumating ka na kasama ako?at kanina ng makita niya ako..lalaki ako Devon..at mahal kita ..kaya alam ko ang pakiramdam na makita ang babaing mahal ko na may kasamang iba much more kung ang taong yun ang pinagseslosan ko..
Devon: kelangan ko ba talagang gawin yun?
Samuel: mahal mo ba siya
Devon: oo
Samuel: then gawin mo unless di na siya ang taong gusto mong makasama habang buhay at ayaw mo ng magtake ng risk..(masakit para kay Samuel ang gingawa niya,ang pabalikin ang dalagang pinakatatangi niya sa taong nakilala niya sa kwento ng dalaga..at noon paman pinagseslosan na niya,he was hoping na sana nagbago na ito ng pagtingin sa dalaga..pero nakita niya nung araw na tumapak siya sabahay ng dalaga at nakita niya ito alam niyang mas tumindi ang pagmamahal nito sa dalaga at di niya kayang ipagkait sa dalawa ang maging masaya sapagkakataong ito..)
nasa harap na sila ng building pero di parin bumababa si Devon..di niya alam ano nga ba ang sasabihin niya..panu kung mali ang mga ito tungkol kay James..
Samuel: go Devon..don't worry dito lang ako..hihintayin kitang lumabas..kung di ka niya patuluyin sa bahay niya..

Niyakap ni Devon si Samuel..saka bumaba sa sasakyan nito..malalim ang iniisip nito ya di niya napansin ang lalaking puno rin ng agam agam sa sarili kaya nabunggo siya nito at dahil sa pareho silang mabilis ang ginagawang lakad at di nakita ang bawat isa kaya ang nangyari parehong nawalan ng balanse ang dalawa..natumba ang dalaga pahiga at pumaibabaw naman ang binatang nakabunggo na maagap na naalalayan ang dalaga na hindi mauntog ang ulo sa sementong pasilyo ng building kaya di gaanong nasaktan ang dalaga yun nga lang nadaganan siya ng mabigat na katawan ng binatang nakabungguan niya..para lang malaman kung sino ito..
James: are you okay?(tanong ng binata sa dalaga na puno ng pagtataka at pag-alala ng mapagtanto kung sino ang nabangga niya..at nadaganan niya)
Devon:ok ba yung binagga ako ng malabakal na katawan at pwede ba umalis kana sa  ibabaw ko papatayin mo ba ako di na ako makahinga (inis at talagang nasaktan na saad  nito at biglang napatigil ng makita kung sino ang lalaking nakabangga niya)
James: sorry, ano ba kasi ang ginagawa mo dito..(hinging paumanhinhin at puno pa rin ang pagtataka)
Devon: ahm James mabigat ka kasi talaga at masakit na yung likod ko baka naman pede umalis ka muna sa pagkakadagan sa akin bago ka mgatanong ng kung ano ano..
Agad na tumayo ang binata at inalalayan siyang makatayo at tsenek nito kung ok ba ang dalaga..habang si Devon ay nakatingin lang sa binata na abala sa pag-check sa kanya..
Devon: I still love you..(lakas loob nitong bigkas)
Hindi alam ni James kung naghahallucinate  lang ba siya o talagang may sinabi ang dalaga..bigla itong napatigil sa ginagawa di kumilos pero ganun parin ang posisyon nakayuko na tila estatwa..
Devon: I said I still love you James(ngayon mas malakas na at may convicton)
Biglang napatayo ng straight si James at tiningnan siya ng mabuti..na tila di makapaniwala sa mga narinig..tiningnan lang ang mukha ng dalaga hindi pa rin makapaniwala..
At ang dalaga nainis na panu kanina pa niya sinsabi na mahal pa din niya ito, ang tanging sagot lang nito eh tingin..sa inis nito agad na tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa binata..kainis sabi ko na nga ba sa samuel na yun na wag na lang mapaphiya lang kasi ako eh..himutok nito habang lumalakad ng palayo
Biglang nag panic ang binata ng makita nito Si Devon na mabilis na lumalakad palayo sa kaniya..
James: kasasabi mo lang na mahal mo parin ako, pero ba't ka umalis..lalayuan mo na naman ba ako gaya ng ginawa mo dati..(may hinampong sigaw nito na di tuminag sa kinatatayuan at nakatingin lang sa dalaga)
Napahinto ang dalaga sa pagalakad ng mabilis ng marinig ang sinasabi ng binata..saka humarap sa binata
Devon: ano pa naman kasi ang gagawin ko dito ni ayaw mong magsalita..kesa madagdagan ang hiya ko mabuti ng umalis ako..ayaw  mo naman magsalita di ba..ibig sabihin ayaw mo lang akong masakatan ..ya di kana umimik kesa iturn down mo ako ng harap harapan( sigaw ng dalaga na puno ng tampo)
James: kasi naman I should be the one telling you that first..ba't mo kasi ako inunahan(nangingiti na nitong saad)
Devon: panu wala ka pa ring ginagawang move kaya sinabi ni Samuel na ako nalang daw ang magmove
James: kasi naman akala ko kayo na ni what's his name again(bakas ang selos sa tono at mukha)
Devon: kaibigan lang kami..alam niya ang tungkol sayo
James: totoo ba talaga na mahal mo pa ako?(sigaw na tanong nito)
Devon: this time pede ba ikaw naman ang mag-move(sigaw nag dalaga)
James: what move?(takang sigaw na tanong nito)
Devon: lumapit ka naman masakit na ngala-ngala ko kakasigaw eh, isa pa masakit talaga katawan ko dala ng pagbagsak ko kanina(napangiwi nitong saad na sigaw sa binata,dahil iniinda na talag niya ang sakit)
Napatakbo bigla ang binata palapit sa dalaga ng maintindihan nito ang sinasabi ng dalaga at makita nito ang sakit na rumihestro sa mukha ng dalaga..at agad na kinarga ang dalaga..
Devon: saan mo ako dadalhin diba dun ang ang elevator patungo sa bahay mo? pinapauwi mo na ba talaga ako?
James: sorry...
Devon: kanina ka pa sorry ng sorry isa lang naman ang gusto ko marinig sayo mula ng dumating ako ng Pilipinas eh..
Di na natuloy pa ng dalaga ang sasabihin  dahil di na kayang iresist ng binata na halikan ang mga labi ng dalaga na tila nag-aanyaya sa kaniya..nabigla man ang dalaga tinugunan niya ang mga halik nito at matagal na naghinang ang mg labi ng dalawa..
James: I never stop loving you beh..(bulong nito sa dalaga ng pasumandaling bitawan nito ang mga labi ng dalaga)
at dahil sa narinig mas ipinulupot ng dalaga sa binata ang kaniyang mga kamay at siya na ang-naginiciate na halikan ang binata..masayang masaya ang dalawang pusong matagal na nagkawalay

Habang sa labas..pinasya na ni Samuel na umalis alam naman niya na di na baba ang dalaga na hindi kasama ang binatang destined para dito..too bad its not him pero masaya siya para sa kaibigan..


wakas.....................................................................................................


wag niyo nang alamin kung anong nangyari nang makarating ang dalawa sa pad ni James..opppssssssssss wala silang ginawa na GP..lol..masakit likod ni Devon at ang kamay ni James nag-umpisa ng mamaga ya ang nangyari ngsilbing nurse si Devon..di na muna nila inisip at pinag-usapan ang nangyari sa nakraang limang taon..ang mga panahon na nasayang para sa dalawa..ang mahalaga sa kanila ngayon ay natibag na ang anumang agam agam na bumalakid sa kanila..si Vince pala ang pangalawang nakaalam na ok na si Devon at James ..bakit? kasi pumunta ito sa pad nung huli at dahil di nakalock pumasok ito sa loob ng walang nakaalam at nakita niya ang isang matamis na tagpo...kaya umalis din ito ng di nalalaman ng dalawa..tinwagan nito ang mga kaibigan at sinabihan na walang kokontak sa mg anumero ng dalawa..lol..

Hindi ko siya ginawan masyado ng cheesy na line eheheheh...sorry wahahahhaha masyado na kasing cheesy yung una kong ff eh..heheheh para maiba lang..

One line..one look..one kiss is enough for two hearts who deeply love each other to understand and forget what ad happened in the past..


sa pangalawang pagkakataon salamat sa inyong lahat na nagbibigay panahon para basahin ang ff ko..salamat kay LORD kasi binigyan niya ako ng idea at inspirasyon para makasulat ng ganitong kwento..salamat din sa mga nag hintay kung meron man..di ko alam kung mapapantayan ko ang huling pahina ng huling ff na naisulat at naishare sa inyo..para sa inyo ito GEMS..para sa JaEvon...

PALALA:
Di ako ako professional writer ha..dala lang ito ng pagiging H_ _ _ _ ko, at singit singit lang din sa workloads ko ang paggawa ng bawat pahina ya medyo matagal ko siyang natapos..


Muli.. thank you ..

leave naman kayo ng mga bayolente niyong reaksyon o komento..lol





6 comments:

  1. wwwwwaaaaahhhhh mare ang galing u at ang ganda nakakaiyak at nakakatawa ang story...more more more...hehehe
    isa sa mga pantanggal ng stress ang ff u...para akong nagbabasa ng romance pocketbook...handsdown ako sayo mare ang galing...at maganda din ang next na ff u ah sa pasulyap pa lang...ang kulit ni yaya doray ah...hheheh...godbless u mare and your family...

    ReplyDelete
  2. mareng Ayen, Happy Birthday!!

    waaaaaaaahhhhhhhhh, nagkataon ba na birthday mo kaya nakapag-post na ako nang comment.

    mare 2 handsdown para sa'yo. your one of the best writers. ngayon ko lang natapos basahin 2. pero grabe yung tama sa akin habang binabasa ko siya. ramdam n ramdam ko yung mga words na nanggagaling kina MM at DD.

    at ang nakakatuwa pa nito mare habang working mode ako sabay ko siya binabasa..

    hopefully dami ka pang stories na isulat kase i'm enjoying your FF.

    Love u mare! God Bless! :)

    ReplyDelete
  3. basta mare ganda talaga niya. di ko maipaliwanag pero hindi ako makamove-on lalo na sa practice session nila.


    waaaaaahhhhhhhhhhh..


    waaaaaahhhhhhhhhhh...

    ala lang. para naman mawala super excitement sa puso ko. hehehe

    ReplyDelete
  4. now ko lang nabasa toh kaya super delayed reaction... kasi kala ko dati super kapareho lng nung 1st... hindi pala...

    maganda din story nya.... i like it... isa ka ka talagang talentadong pinoy!! hehehe!! thumbs up to u :)

    ReplyDelete
  5. One line..one look..one kiss is enough for two hearts who deeply love each other to understand and forget what ad happened in the past..


    ~ lab it :D

    ReplyDelete