Friday, January 21, 2011

ONE TRUE LOVE 2

5 years ago...

After the post party, Devon really did her best para di na maka engkwentro pa si James..timing din na nabusy na siya dahil siya ang nahirang na President ng buong 2nd year...

Hanggang sa dumating ang gabi ng mga estudyante(student's night) compulsory ang pag attend may attendance at required sa lahat ng subject.. ayaw man ni Devon kelangan niyang dumalao, lalo na at siya ang President ng 2nd year... masaya ang lahat na nandun then the emcee hold the microphone ..encouraging the students to show their talents.. sino daw ba gustong kumanta, sumayaw at iba pa na makakapagpatingkad sa kasayahan ng gabing yun ng mga estudyante.. tumayo si Devon para pumunta ng rest room ..magfreshen -up sana, ng biglang itinulak ni Tyra si Devon papunta sa stage kung saan malapit lang naman sa knilang inuupuan
Tyra: dear school mates , specially the 2nd year our President do not only excel in all academic activities and in leading us, but she has a very very beautiful voice too that we can all be proud of having her as our President(sigaw ni Tyra na hawak hawak parin ang kamay ni Devon)
Schoolmates: go Devon make us proud(sigaw ng mga 2nd year at lahat na nandun )kanta na sige na(maiingay ang mga nandun)
James: can she really sing? (tanong nito kay Drake habang di iniiwas ang tingin sa dalaga)
Drake: just watch and listen dude(proud kuya)
Fran: paos yata si devon bunny(saad nito ng makalapit)
Drake: she can handle it( proud kuya talaga)

Habang si Devon sa stage di alam ang gagawin, naku naku makukurot ko talaga sa singit ang Tyrang ito..bulong nito sa sarili.. noh ba kasi pede kong kantahin .. nilibot niya ang kaniyang paningin ,at nagtama ang paningin nila ni James na kanina pa titig na titig sa kaniya,bigla siyang kinabahan, at ayaw na niya sa kabang yun..bigla niya nahawakan ang mikropono..
Devon: guys.. sure ba kayo na gusto niyo akong kumanta?(paunang salita ni Devon)
Schoolmates: oo sure na sure kami(sigaw ng mga ito at tumatawa)
Devon: baka mamaya masira ang masayang gabi niyo dahil sa pagkanta ko..(saad ni Devon na tumatawa )
SM: hindi kanta na.. sigaw ng mga ito at tawanan.. mejo wild na din..
Devon: oh sige anong kanta ang gusto niyong kantahin ko(nakatwa)
SM: kahit ano basta ikaw(masayang sigaw ng mga ito kay Devon)
Devon: wala akong maisip na kanta guys.. pero may kinompose ako para sa isng tao,na pilit ko mang iwasan siya at siya pa rin..geee guys ang drama ko no?(nakatawa)pero sana talaga makalimutan ko na siya(lumaka d patungo kung saan naroon ang musical instruments at kinuha ang gitara saka tumipa)para sayo to kung sino ka man..

Tumahimik ang buong Auditorium ..di nila akalain na magaling ang dalaga sa paggamit ng gitara

(paalala sa lahat ng bumabasa ang kantang ito ay ginawa ko lang para sa ff na to.. ehehehe gawan niyo na lang ng melody pasensya na eheheh basta sad song siya and mellow)

I... i have been waiting for you
I... i have been waiting for you to say you love me too..

tumahimik ang lahat , mangha sa malamyos na tinig ng dalaga.. lalong lalo na si James.. di niya alam na kumakanta din pala ito tulad ni Drake..

But, oh.. boy I guess its not gonna happen
coz its not me that you like'
not me that you want
not me that you need
and not me that you love..

di maiwasan ni Devon na hindi tumingin kay James habang binibigkas ang mga kataga na naroon..at nagtama na naman ang mga mata nila..di mapakali si James di niya alam kung bakit.. habang si Devon ay umiwas ng tingin..


So boy I guess gonna have to say goobye
gonna kiss my love for you a goodbye
butt, tell me how to say goodbye
for someone who never even said hello
And no matter how i've tried suppress this feelings and avoiding you
its just keeps getting stronger as the day passed by
And the more that I ignore this feeling the more that i longed for you

Hindi alam ni James pero may parang masakit na nararamdaman siya sa naririnig mula sa dalaga.. di niya alam kung ano at bakit..

Coz my heart only beats for you
my heart likes you only
my heart wants you only
my heart needs you only
my heart loves you only
my heart belongs to you only..

James felt jealous sa kung sino man ang nagmamay-ari sa kantang yun .. at kung sino man yun gusto niya itong sapakin sa mga oras na yun..

And I'm in a mess coz I know that its not me that you like
not me that you want
not me that you need
not me that you love

di napigilan ni Devon ang luha na pumatak, at nakita yun ni James..gusto niyang puntahan ang dalaga sa harapan para aluin ito at sabihin na sana siya na lang..kasi siya sigurado siya na di niya sasaktan ang dalaga..

Patuloy pa rin na kumanta si Devon at pasimpleng pinunasan ang luha..

At night as I watch the moonlight
with the stars shining bright
as the wind blow hugged me while thinking of you
Iprayed that you'll be watching in it and wishing that you're thinking of me too
and let the wind hugged you tight as if its me and whispered i love you...

Ramdam ni James ang lungkot na nararamdaman ni Devon ..parang pinipiga ang puso niya..kung pede lang niya talaga na puntahan ang dalaga at yakapin ito ginawa na niya kanina pa.. pero paano..iniiwasan din siya ng dalaga..

But ist not gonna happen
coz its not me...
so goodbye...

goodbye? why bulong ni James sa sarili... nalilito na siya sa nararamadaman, parang bigla siyang sinapak ng marinig ang goodbye..ba't masakit marinig mula sa dalaga ang goodbye when its not meant for..bulong ni James sa sarili..


I'll let my self free from the cage I built from loving you
for someone who will love me too..
I just dont know how
I just dont know when
I just dont know to whom
all that I know now is goodbye..
goodbye...

Masigabong palakpakan ang natanggap ni Devon mula sa mga schoolmates niya at lahat ay sumisigaw ng more more more...

Habang si James sa di malamang kadahilanan ay parang tinaga sa mensahe ng kanta ni Devon.. dahil ba sa may lihim na minamahal ang dalaga at nagseselos siya o dahil sa alam niyang nahihirapan ang dalaga.. at talagang galit siya sakung sino man ang taong yun.. but she really has an amazing voice and Drake didn't inform me bout it(bulong nito sa sarili)

Drake: so what do you think dude?
James: she's indeed a great singer, and quite good life story teller.. composer i mean..sagot nito sa kaibigan habang hindi naman inihihiwalay ang mga mata sa sa dalaga at nakita niya ulit na nag pahid ito ng luha sa mata ang he cursed the man whom let Devon cried..

Habang si devon ay pasimpleng umeskapo sa lugar na yun, di na niya kaya, mabigat na talaga ang dinadala sa dibdib niya..dahan dahan niyang binayabay ang pasilyo at nalakad palayo sa lugar na yun, kelangan niya makalanghap ng hangin at gusto niyang mapag-isa..hinayaan niyang pumatak ang luha niya ng makalayo na siya at masiguro na walang makakakita na sa kaniya, lingid sa kaalaman niya sinundan siya ni James..at determinado na ito na lapitan at damayan siya..
James: Devon(tawag nito sa dalaga)
Kilala ni Devon ang boses na yun pero binalewala niya yun baka kasi halusinasyon lang nagpatuloy parin siya sa paglakad...nabubuwang na yata ako naririnig ko na boses niya(natawa ng pagak sa sarili) ano bah Devon panu mo siya makakalimutan... wag mo na siyang isipin ok...patuloy na naglakad
James: Devon(sabay hawak sa braso ng dalaga ng hindi siya nito lingunin)
Parang estatwa na di makalakad si Devon..so totoong tinawag niya ako..at anong ginagawa niya dito(kausap ni devpon sa sarili.. ni hindi makaimik.. ang lakas ng tibok ng puso niya.. namamanhid din ang tuhod niya dala ng kaba sa pagkakahawak nito sa braso niya at , nahihiya siyang lumingon dahil kung bakit kasi parang falls ang pag-agos ng luha niya..Hindi na nakatiis si James bigla niyang niyakap ang dalaga.. gusto niyang i-assure dito na pede siyang iyakan..na kakampi siya...at mas lalong umagos ang luha ni Devon... oh please don't do this to me... panu ba kita makakalimutan kung magiging mabait ka sa akin (bulong nito sa sarili)humigpit ang hawak ni James dahil ramdam niya ang bigat na nararamdaman  ng babae na ni minsan di na nawaglit sa isip niya mula ng una niya itong makita..

Devon: bitawan mo ako james(malamig na turan nito)

nabigla si James ng marinig at amaintindihan ang sinabi ni Devon..

James: please let me be  Devon...
Devon: I said bitawan mo ako..(malumanay pero blanko ang expression ng mukha na saad nito)
James: Devon please I can be a friend..(di pa man natatapos ni James ang sasabihin biglang tinulaka na siya ni Devon.. at tumakbo itong palayo..nabigala man hinabol niya ang dalaga..
Devon: please stay away from me James... please..(umiiyak na si Devon)
James: I can't leave you like that Devie..please let me be a friend..were friends rigth?
Devon: yun na nga eh.. kaya layuan mo ako please lang James... ayokong maging kaibigan mo.. (tumutulo pa rin ang luha at puno na ng hinagpis na bigkas nito)
James: but why?(nagugulumihang tanong nito at nasaktan dahil kahit kaibigan ayaw sa kaniya ni Devon)
Devon: you don't get it do you? please James stay away from me.. gusto ko ng huminga...huminga na wala ka sa sistema ko..I know that i'm too far from your likes..so please help me... help me to forget you..
Hindi makaimik ang binata.. tama ba ang naririnig niya.. ano daw.. gusto siyang kalimutan na ng dalaga... wait..biglang naabsorb na sa utak niya ang mga pinagsasabi ni Devon.
James: NO! I can't help you.. I'm sorry but I can't let you forget me..(saad nito na puno ng conviction)
Devon: look.. gusto ko ng buksan ang sarili ko para sa iba tama na yung panahon na nilaan ko sa wala..and damot damot mo.. bakit di mo maibagay yun ..(tahimik na umiyak at mahinang usal nito..)
James: (nilapitan ang dalaga at hinawakan ang baba para magpantay ang tingin nila..)you just don't know how happy i am tonight..I'm sorry coz I really can't help you bout forgetting me..coz the least thing that I wanted you to do is forgetting me..mahal kita Devon..
Hindi makapaniwala si devon sa narinig mula kay James.. he loves me...all this time mahal niya ako?
Devon: what?
James: nakakabingi ba? sabay ngisi..
nahiya ang devon biglang tinabig ang kamay ni James na nakahawak sa kaniya pero mas mabilis
at maagap ang James agad siyang hinablot palapit sa kaniya na halos madinig na nila ang tibok ng puso ng bawat isa at maamoy ang bawat hininga..at dahil sa ganung posisyon di malaman ni devon kung anong gagawin wala siyang lakas para itulak ito..gusto niya ang pakiramdam na magkalapit sila..habang si James ay hindi na makayanan ang urge na halikan ang dalaga na kanina pa tila iniimbitahan siya at dahan dahan na inilapit ni James ang kaniyang mukha..hinhintay niyang magreact si Devon para hindi niya ituloy, pero wala itong kurap na nakatitig lang sa kaniya hanggang sa mapapikit ito and yun ang naging senyales para ituloy niya ang kanina pa niya gustong gawin..dahan dahan na lumapat ang labi niya sa mga labi ni Devon..he kissed her tenderly for he know it is her first and he is the lucky one..ramadam niya ang kaba dahil kahit siya kinakabahan din.. ayaw niyang tapusin yun pero kelangan at dapat..habang si Devon hindi makatingin ng deretso kay James matapos siya nitong gawaran ng halik.. naramadaman na lang niya sapo na nito ang mukha niya at pilit na pinapatingin sa kaniya..
James: I love you Devon..hope this make sense para di mo ako tuluyang kalimutan..(nakangiti pero may pangamba na saad nito)
Hindi pa rin makapaniwala si Devon ang bilis talaga ng pangyayari kanina lang, ay determinado na siyang kalimutan ito, at kanina lang iyak siya ng iyak..pero ngayon wala siyang mapagsidlan ng kaligayahan..di rin niya alam ang isasagot sa binata.. panu ba..mag-iilove you too din ba ako...eh alam na niya, tapos nakafirst base na nga..kaloka nauna pa ang kiss bago ang sagot ko(patuloy na kausap nito sa sarili)
James: bhe please say a word..i know that my lips taste so sweet and my kiss is something..di mo kelangan mapipi(medyo pilyong saad nito)at dahil dun may pak na malaks mula kay Devon..
James: ouch..i didn't know your this strong..(nakangisi parin)
Nakatingin lang si Devon biglang namula di alam kung maiinis o maawa sa binata..
James: you can say something atleast a yes or no..(nagtataka na rin kung bakit di nagsasalita si Devon, at natakot dahil sa kapangahasang ginawa baka mas lalong magpursige ang dalaga na layuan siya)
Devon: if... if i understand it right.. you have loved me just the same...and you love me..right?(di sigurado sa mga pinagsasalita at ang Jaime amuse na amuse..hindi ganito ang kilala niyang Devon.. lagi itong sigurado sa lahat ng bagay pero ngayon..gusto nitong bumunghalit ng tawa sa tuwa at sayang nararamdaman)ng biglang Pak mula sa dalaga..
James: again..(nasaktan talaga)
biglang nahapalos ni Devon ang bahagi ng balikat ni James na pinalo niya..

Devon: ikaw kasi eh..(di  paman natatapos ang sasabuhin nito hinawakan na ni James ang kamay ng dalaga)
James: its ok..and yes I love you.. I could shout it to the whole world if you will allow me..
Devon: ahmm and I love you too..the song was for you..but things change..kaya lang kahit na mahal mo ako I stll can't let you shout that you love me because I made a promise to my family not to have a commitment with any guy till I graduated with flying colors..(mahinang saad nito, takot sa pedeng marinig mula kay James)
James: I know that baby..
Devon: wait you know what?
James: na di ka pa pede magkabf..(mayabang na sagot nito)
Devon: at kanino mo naman nalaman?(medyo nagtaray bigla nainis panu kasi mukang madami itong alam na di niya alam eh)
James: wait oh please.. ibaba mo yung kilay mo.. your brother and I talked about you as often as we can thats it.. ok.. its because i often asked her about you..
Devon: you mean alam ni Kuya?(nanlalaki ang mga mata)
James: yes..he knew everything..I mean how I feels about you..
Devon: hmm ok so..lets just be friends for now(nag-aalangang saad nito)
James: friends? how about the kiss?
Devon: hmm special friend..
James: ok special friend ..but how about the kiss(pilit talaga pinapaalala sa dalaga ang kiss sobrang amuse kasi ito sa pamumula ng dalaga tuwing binbanggit ang kiss)
Devon: the kiss was our sealed(nahihiyang saad nito)
James: then can i kiss you again?(pilyong saad nito na akmang nlalapit ang mukha sa dalaga na biglang nataranta.at napahagalpak naman ng tawa ang binata sa reaksyon ng dalaga)
Devon: ba't kaba tumatawa?(inis nitong saad)
James: because your cute baby(pilyong sagot nito)
Devon: nakaktaw ba talaga ako?(hala parang maiiyak pa yata)
biglang natakot si James na baka umiyak na naman ya kinabig niya na lang ito at niyakap..

Mula nun lagi ng nakikita na magkasama ang dalawa hindi man sila official na sila parang item na rin sila.. Naging malapit na magkaibigan na rin si Vince at James ..sabihin na natin na dahil sa assurance na binigay ni Devon nawala ang inis ni James dito at nalaman niya rin na mabuting kaibigan ito kay Devon at napakabuting tao din..kahit ang mga magulang ay alam kung anong meron kay James at Devon.. payag naman na actually ang mga ito na magkabf na ang dalaga nila sadyang ayaw lang ni Devon..masaya na daw siya sa ganun hanggang isang araw naimbitahan sila na mag-attend sa birthday ni Tyra at dahil mula din ito sa kilalang pamilya binigyan din ito ng magandang selebrasyon ng mga magulang.. masaya ang lahat kanina pa nandun sina Devon, Vince ang kapatid at Fran habng si James ay on his way pa lang may pinuntahan muna kasi ito..nagsasayawan na ang mga kaklase nila at nagenjoy talaga dahil sinadyang parang gimmick night ang theme ng party.. naiwang naka-upo si Devon sa table nila dahil sumayaw ang mga kasamahan niya ng makita niya si James na papasok paling linga ito kakawayn na sana niya ito ng makita niya na may lumapit dito at parang inakay palabas ng room na yun..sinundan ni Devon kung saan patungo sina James at ang babaing bisita ni Tyra at mukang kilala ni James..hinanap niya ito sa kung sang bahagi ng lugar na yun at para siyang sinapak sa nakita ..parang gusto niyang lamunin nalang siya ng lupa sa kinatatayuan niya..hindi sila committed ni James sa isa't isa ya may karapatan itong  gawin ang anumang nanaisin nito.. walng ingay at mabilis na nilisan ang luagar na yun.. wala siyang luha na mailabas.. ewan kung bakit.. parang namamanhid ang buo niyang katawan...hindi niya maikakaila na sobrang nasaktan siya sa nakita.. di na siya bumalik sa loob tinawagan na lang niya ang kapatid na mauuna ng umuwi dahil biglang sumakit ang ulo niya..

Habang si James naman ay nagpumilit na kumalas sa babae.. kilala niya ito.. matagal na itong may gusto sa kaniya.. tinanong niya ito kanina sabi nito alam nito kung saan naroon si Devon ya sumama siya dito pero bigla na lang siya nitong hinalikan..ayaw niya sa agresibong babae at mas lalong ayaw niya dito dahil may iba ng laman ang puso niya.. agad na iniwan ni James ang babae at mabilis na pumasok sa loob nakita niya ang mga kaibigan pero wala doon ang dalaga ang sabi ni Drake nauna ng umuwi dahil biglang sumakit ang ulo..di malaman ni James kung bakit bigla siyang kinabahan ng marinig mula sa kaibiagan na umuwi bigla ang dalaga.. agad niya itong tinawagan pero narinig niya ang click ng phone..tinawagan niya ulit ito pero di na niya ito matawagan... nasabunutan ni James ang buhok niya dahil sa takot na baka mawala ang dalaga sa kaniya at galit sa babae..gusto niya itong sapakin alam na niya sigurado siya may nakita ang dalaga ..agda niyang nilisan ang lugar ng di man lang nababati ang may birthday at di na rin nagpaalam sa kaibigan sinundan niya si Devon sa bahay nito pero ang sabi ng katulong wala pa ito..desperadong nasuntok ni James ang sasakyan.. ang pinakahuli na gusto niyang mangyari ay ang masakatan niya ang dalaga.. pinakaingatan niya ang kung ano mang meron sila dahil ayaw niyang magkaroon ito ng reason para iwan siya at ayaw niyang maging reason para lumuha ulit ito.. pero sa di sinasadyang pagakakataon nasaktan niya ito..ibig bang sabihin mawawala na rin ito sa kaniya?takot na takot si James..matagal lang itong nakaupo sa sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay nina Devon.. at tanaw ni Devon yun dahil kanina pa ito dun at sinabihan niya ang mga kawaksi na pag may naghanap sa kaniya sabihin na wala siya..Hanggang ngayon di parin si Devon makaiyak di niya alam kung bakit..kanina nang dumating siya naabutan niya nag mga magulang na nag-uusap sa sala tungkol sa kaniya..

Tungkol yun sa Invitation para sa kaniya mula sa WYO (world youth organization)pang-apat na notice of Invitation na yun at matagal na siyang sinasabihan ng magulang na mag-oo para dun at alam din yun ng school nila at pinayagan din siya..dating WYO President ang Mommy niya nung kabataan pa nito at dahil napili siya para dun ay gusto ng mga magulang niya na mag-attend nun para maranasan niya ang mga bagay na minsan naranasan ng mommy niya at para mas matuto siyang pahalagahan ang anuman na meron sila..at dahil sa nasaksihan kanina sa party ni Tyra hindi nag-atubili ang dalaga na tanggapin iyon na ikinagulat man ng mga magulang ang mabilis niyang pagpayag dito,isinantabi nalang ng mga ito ang dahilan ng dalaga at kaagad na tinawagan ang organizer ng WYO na dating  kasamahan ng ina at matalik nitong kaibigan ang pagpayag ng anak na sumama at magvolunteer para sa mission trip na yun kung saan maglalayag ang mga ito kasama ang ilang kabataan sa buong mundo para tumulong sa mga nangangailangan..pawang mayayaman din ang mga nakakasama dito dahil hindi basta basta ang halaga ng registration fee maliban sa pamasahe at kung ano-ano pang expenses na hindi naman alintana ng pamilya ni Devon dahil mayaman ang angkan pinagmulan nito..

Bukas pa sana ng umaga aalis si devon patungo sa headquarters kung saan may apat ng nauna na makakasama at kasing edad niya ngunit pawang mayayaman din at nagmula sa iba't ibang probinsya..pero dahil may lakad ang mga magulang bukas minabuti ng mga ito na ngayon gabi din ihatid ang dalaga ..ilang buwan din mawawala ang dalaga walang kasiguraduhan ang kaniyang pagbabalik at mas gusto ni devon yun...pinangako ng mga magulang na ito na ang magpapaliwanag at magsasabi sa kapatid at kaibigan pati narin sa school nila tungkol sa pag-alis niya..

Di alam ni James na lulan sa sasakyang lumabas mula sa tahanan ng dalaga si Devon.. wala itong kamalay malay na hindi na niya makaka-usap ang dalaga at kung kelan ito magbabalik wala itong alam..kanina pa ito roon at pursigido talaga siya na abangan ito sa paglabas  man o pagdating gusto niya itong makausap..gusto niyang magpaliwang..hindi man sila official kinommit na niya ang sarili niya dito..

Habang si devon naman ay hindi pa rin mahagilap ang luha niya hanggang sa mga oras na yun..naabutan niyang masayang nagkkwentuhan ang apat na nauna sa kaniya..close na ang maga ito dahil two days na ito ro'n  agad naman siyang ipinakilala sa apat..pagkakita niya sa mga ito alam niyang makakasundo niya kaagad ang mga ito..si Emmerrie mula sa Palawan solong anak, mestiza pero hindi maldita, sweet at talagang mabait, pero marunong lumaban..si Arrizza isang ank ng Senador at nagmula sa pamilya ng politico bungisngis parang siya lang din, maganda at palakaibigan din, si Samuel  nag-iisang anak ng nagmamaya-ari ng pinakamalaking recording company..bakit ito naroon? dahil pamangkin ito ng WYO President na kaibigan ng Mommy ni Devon..at si Iliac pinsan ni Samuel ba't ito naroon? dahil di sasama si Samuel kung di ito kasama..funny parang rehab ang WYO mission trip para sa dalawa..pero matitino ang mga ito.. lahat sila ay magagaling academicaly at active sa kahit na anong curricular activities ng school kaya din nakapasa sila sa  mabigat na screening..yes may screening..parents ni Devon ang nag-submit ng lahat na kakailanganin ya napasali ito dun kahit di naman nag-apply at dahil excellent ang records ya pinadalhan kaagad ng invitation..

Mabilis na nagkasundo ang mga ito hanggang sa takdang araw na pag alis ng mga ito papuntang Hongkong dahil dun nakaabang ang cruiser na maghahatid sa mga kabataan saan mang panig ng mundo..madals na tinutukso ng ilan si Devon at Samuel na nakasanayan na niyang tawagin na crush..dahil nga sa totoong crush niya ito..pero alam ni Samuel na may mahal na ang dalaga at di niya pedeng seryosohin ang anumang attraction nararamdaman niya sa mga oras na yun...

Sobrang naging mabilis ang takbo ng panahon, ang 3 months ay naging 6 months ang last stop nila ay and US dahil naimbitahan sila ng President na magdinners at magsta sa white house bago mag-siuwian sa kaniya-kaniyang bansa..walang may naka-anticipate sa sorpresang matatanggap mula sa US president...matapos sila isa isang makapanayam ng President at matapos silang mae-tour sa boung palasyo sa huling gabi nila dun inanunsyo ng US executive secretary na may iilan na mapapalad na mga kabataang volunter ang makapag-aral saan sa states saan man nila gustuhin ng walang kahit sentimong babayaran at di na kailangan ng admisson exam para makapsok sa school na gugustuhin, pati tirahan at allowance ay sagot ng US Gov't  sa isang kundisyon sila ay mag-lalaan ng oras para sa WYO activities during free time at 2 years na pagiging WYO volunter  pagkatapos makagraduate after nun pede na silang makapagdecide kung ano man ang career na tatahakin  nila at may nakahanda ring opportunity para sa kanila kung gugustuhin nila..at kasama ang Phil. WYO Volunteer sa mapalad na nakakuha ng scholarship na yun..hindi nagdalawang isip ang mga ito na paunlakan yun dahil alam nila na hindi lahat nagkakaroon ng pagkakataon tulad ng meron na sila ngayon..


Present...

Tapos ng kumanta ang dalaga at si Samuel at masigabong palakapakan ang natanggap mula sa kaibigan at kapatid ang mas nakapagpangiti ng sobra kay Devon at nanlaki ang mata ng  makita niya kung sino ang pahabol na pumapalakpak..
Vince: your still great devz..(matapos pumalakpak naka -uamang na mga bisig ang sunod na ginawa nito na agad namang tinakbo ng dalaga sabay yakap ng mahigpit

Nabigla si Samuel sa nakita..ito ba yung lalaki na mdalas ikwento ni Devon sa kaniya? yung lalaking di niya magawang kalimutan yung lalaki na iniwan niya ng di man lang hinihingan ng paliwanag?mukang okey naman sila eh..saad nito saisipan.. he felt jelous pero wala siyang karapatan.. what they have is something special but not more than friends ..
Devon: I miss you man, lika ipakilala ko sayo ang bago kung bf..
Vince: bf?(nakataas ang kilay at pasimpleng nilingon si James na nakita niya na parang walang emosyon na mababakas, pero alam niya deep inside kumukulo na ang dugo nito)
Devon: bestfriend(mahinang bulong nito saka gigil na tumawa )

Tumawa narin si Vince ..he misses her but he knew that whatever happens for the past years between Devon and his bestfiriend now(james) they just have to talk and settle things..James never look a girl anymore after they all found out that devon flew for a mission trip and till when they don't know..and now she's back..whoever this Samuel is for sure he's just a friend just like me..bulong nito sa sarili habang tinitigan ang kaibigan na pinakilala ni Devon sa lahat..

3 comments:

  1. OMG...........i'm 1st............ so cute ng story......... ang haba ah, pero btin p rin.nxt chapter pls..........

    ReplyDelete
  2. asannnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn ng next chap te ayen

    ReplyDelete
  3. hay wala pa ring update...huhuhuhu

    ReplyDelete